Unexpected Love

108 1 0
                                    

First story. try ko lang. hahaha!!! gawa gawa lang yan

---------------------------------------------

Ano nga ba ang m.u? Yan ang tanong na hindi ko malaman ang sagot..

-------------------------------------------

''Pare!! Asan ka na ba?! Kanina pa ko andito!''

sabi ni Dex sakin. Ang bestfriend kong 'Under' ng syota niya. Nagpapasama siya sakin sa Pasig para isurprise ang girlfriend niya.

''Teka lang pare!! Traffic!!''

sabi ko. Pero ang totoo palabas pa lang ako sa Condo ko. Binaba na nya ang phone. Ewan ko kung bakit hindi to makapunta sa girlfriend niya ng mag-isa. Palibhasa Torpe, Ako lang ang sinasama niya saming barkada dahil masyadong makulit ang iba naming kabarkada at busy sa panchichicks. Dapat kasama ako ngayon sakanila para pumuntang MOA at maghanap ng babaeng mabobola. Si Dex lang ang hindi babaero sa barkada namin. YES. Babaero din ako. Malalaman niyo din kung bakit ko pinakilala si Dex sainyo. Sa ngayon ako naman ang magpapakilala.

Ako si Dave Alejandro Chan. Mayaman, singkit, moreno, matangos ang ilong, matangkad, at masculado. Respetado ako sa school namin dahil hindi sa siga ako o barumbado, kundi dahil halos lahat ay kaibigan ko, walang nalaban sakin. Ang mga babaeng naloloko ko ay parang laruan lang na mabilis kong pinagsasawaan. Isa lang naman ang sineryoso kong babae, si Arisa. First girlfriend ko siya at first love ko. 3years din naging kami at niloko niya ko. Pinagpalit niya ko sa mukhang unggoy niyang schoolmate. 1year na din ang nakalipas at eto nga ang nangyari sakin. Nanloloko ng mga babae dahil gusto kong malimutan si Arisa. Pero nakakasawa din. Nakakasawa yung iniiyakan at hinahabol, nakakaguilty. Hindi na ako nagiinom ng alak pero naadik naman ako sa sigarilyo, Walang araw na hindi ako naninigarilyo. Nawawala kasi lungkot ko pag nag gaganun ako eh. Si Arisa pa din kasi! :(

''Sa wakas! Akala ko pasko ka pa dadating eh!! tangina mo!!''

sabi ni Dex sakin.

Tinawanan ko nalang siya at pumunta na kami sa bahay ni Lea (Girlfriend ni Dex)

Pag dating namin kay na Lea ay andun pala ang Bestfriend niyang si Amy. Nakikita ko na dati pa si Amy sa school at sinubukan ko na din hingin ang number niya sa mga kaklase niya pero ayaw ng mga kaklase niya dahil magagalit si Amy sakanila. Hiningi ko na din Lea dati pero bawal talaga. Kaya di ko na tinuloy ang planong paglaruan siya. Mahihirapan lang ako sa kakahingi ng # niya. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon, napatitig ako sakanya ng matagal at di niya man lang ako pinansin. Hindi naman ganun kaganda si Amy pero bakit ganun nalang ang pagkatitig ko sakanya? Pumunta kami sa kwarto ni Lea para manood ng movie. Naupo kaming apat sa carpet at hindi ko maiwasang mapatingin ulit kay Amy. Crush ko na ata siya. Di ko siya makausap, ewan ko kung bakit ganon nalang bigla. Pinilit ko si Lea na kausapin si Amy at hingin ang # nito kung pde. Pumayag naman si Amy sa wakas!. abot tainga ang ngiti ko!

Pag alis namin ni Dex sa bahay ni Lea ay tinext ko agad si Amy. Wala akong masabi sakanya dahil nakakaboring siya katext. Suplada talaga. Pero dahil naging interesado ako sakanya ay kinulit ko to ng kinulit. Nakuha ko din ang loob niya pagkatapos ng tatlong araw. Naging close kami, siya lang ang tinetext ko at hindi na halos ako nagdodota. Busy ako sa pakikipagtext sakanya. Lalo ko siyang nakikilala, lalo akong naiinlove sakanya. PATAY! Hindi pwede to. Ayoko magmahal ulit. Nakakausap ko siya sa school lagi pero hindi ko siya masabayan ng Recess,luch at uwian. Baka makita kasi ako ng Kuya niya. Alam kong hindi ito papayag dahil niloko ko ang bestfriend nitong si Janine.

---------------------------------------------------

''Amy! Hinihingi ni Papa Dave number mo!! yiheeee''

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon