Chapter 3

1.7K 18 3
                                    

She is my ever beloved ________. Secret *wink* E dedicate ko to sa kanya kasi sobrang love ko siya as innnnnnnnnnnnnnnnn! ♥

________________________________________________________

"Ibig mong sabihin na tinatawag ka ng Papa mo na Rubina?" sabi nya habang nagngunguya ng chips.   Nasa kwarto pa rin sila ni Ruvane at nagkwentuhan tungkol sa buhay nito at mga experience ng pagtatago habang kumakain ng chips.

Nung nalaman niya na ito pala ang kanyang mission ay inisip niyang mahihirapan siya dahil sa lahat ng bakla na nakilala niya ayaw sa kanya. Sobrang ganda siguro niya kaya ganun.

"Oo. May bestfriend kasi ako nung college ako. Lalaki rin siya pero bakla din. Pero syempre kagaya ko tinatagog rin niya ang kanyang totoo na pagkatao. Pero kung makilala mo siya at di mo alam na bakla siya, for sure maiinlove ka sa kanya dahil sa porma niya. Ang galing lang kasi niyang magpanggap.

Tapos nagkaroon kami ng activity at kami ang nagkapartner. Inuwi ko siya dito sa bahay.."

O______________________________O

Ano? Inuwi niya ang lalaki? Anong ginawa nila? Dinala ba agad niya ito sa kwarto at pagkatapos..

@_______________________@

First part palang nga ng 'activity' ng mga ito na iniimagine niya ay nasusuka na siya. Like yuck?!

"Gaga! Patapusin mo kasi muna ako. Syempre dinala ko siya sa kwarto ko... Babatukan kita pag tiningman mo uli ako ng ganyan.." 

>>>>____________________>>>>

Tignan mo ba naman ang mukha niyan, parang timang. Ang bad minded talaga! Hmp! -_-  sabi ni Ruvane sa kanyang isipan.

"Tinapos na namin yung activity medyo mahirap, but let's not talk about it, it's not the topic anyway. After that kumuha ako ng soda at ships tapos nagkwentuhan kami sa aming mga kaharutan. And mind you, hindi pa soundproof ang room ko noon. Kwento kami ng kwento hanggang sa napunta ang aming pagkukwentuhan tungkol sa pangalan na gusto namin e tawag sa isa't-isa.

Ang sabi ko sa kanya gusto ko itawag niya sa akin ay Rubina. Tapos tumawa siya ng malakas, langya! Siya pa yung nagtanong siya pa 'yung tatawa. Tapos dun kami nadatnan ni Papa. Akala ko nga na narinig ni Papa ang lahat na pinag-usapan namin pero tinanong lang niya ako kung bakit ko gusto magpatawag ng Rubina. Salamat nalang at may nahanap din akong akong palusot sabi ko kay Dad 'E Dad, maganda naman yun ah! Rubina, hindi nga lang manly pero panglalaki din naman yun ah!' at yun tumawa si Papa. Simula nu'n tinutukso na niya akong Rubina."

Natatawa si Sapphire tuwing nakikita niya ang hitsura nito habang nagkukwento. With feelings pa talaga at actions. Seryosong-seryoso ito at namumula rin na para bang bago lang nangyari ang pangyayari na kinuwento ngayon sa kanya.

Sino ba ang makakapaniwala na ang lalaking ito na sobrang gwapo, cute, at macho idagdag mo na rin ang pagkahot na ito ay bakla!

Seducing a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon