Kanal

928 40 30
                                    

KANAL.

© waytBored (Shin.)

"Huhuhu."

"Naku namang bata ka! Ang lawak-lawak ng daan, nahulog ka pa sa kanal. Ang engot mo talaga!"

Yan naman ang laging nangyayari eh. Uutusan ako ni Mama, mahuhulog sa kanal at uuwi ng ngumangawa.

Takot kasi akong masagasaan kaya gumigilid ako. Sa sobrang paggilid ko, nahuhulog ako sa kanal.

***

After 10 years...

"O! O! O! WAAAH!"

"JULIE!" May humila sa bewang ko mula sa likod.

"Hayy. Salamat Kiko!" Buti na lang nahila niya ako agad bago ako magdive dun sa kanal.

"Ang engot mo talaga! Ang lawak-lawak ng daan mahuhulog ka pa sa kanal!" Binatukan ko nga. Kuhang-kuha yung linya ni Mama kapag nahuhulog ako sa kanal eh.

16 years old na ako pero di pa rin ako nagbabago. Walang kupas! May magnet pa rin ako sa kanal. Kapag tinititigan ko kasi yung kanal parang may pwersang humihila sa akin na mahulog. Baka gravity.

Pero iba ngayon, nakita ko kasi si Carl'melabs ko, napatitig ako kaya ayun, di ko napansin na may kanal pala dun.

Si Carl'melabs? Siya lang naman ang pangarap ko. Ang buhay ko. Ang mundo ko. Ang universe.

First day pa lang ng First year... na-hook na ako sa kanya. Siya ang dahilan ng pagpasok ko araw-araw. Siya ang dahilan kung bakit nakaya kong mag-aral ng walang absent sa loob ng apat na taon. Siya ang dahilan kung bakit tumatalino ako ng di oras, naging Top student pa ako. Wala eh, kailangang magpasikat sa aking melabs. Kailangang maging proud siya sa future girlfriend at wife-to-be niya. Ahihi.

"ARAY!" Biglang may tumamang matigas na bagay sa ulo ko, natumba ako sa lakas ng impak eh.

"Sorry Julie. Nasaktan ka ba?"

"ANO SA TINGIN M---" Nawala lahat yung sakit, yung hilo, feeling ko nga may sugat ako kanina pero biglang gumaling. "A-ah! Hindi. Hindi ako nasaktan. Okay lang ako. Basta ikaw... Carl."

Si Carl'melabs ba naman ang makatama ng bola sayo? Heaven! Gusto ko pa nga sanang sumigaw ng 'Sa uulitin!' nung umalis siya eh.

"Ang engot mo talaga! Anong Okay lang?! Eh halos humilata ka na diyan." Inalalayan akong tumayo ni Kiko.

"Okay lang talaga ako. Masarap kaya, try mo." Wala sa malay kong sagot habang nakatanaw pa rin kay Carl'melabs na nagdidribble. Ang gwapo niya talaga.

Yung pawis na tumutulo sa dalawang gilid ng pisngi niya, nakadagdag pa sa pagka-gwapo niya. Ang hot niya!

...

Sa sobrang saya ko, nailibre ko pa ng lunch si Kiko.

"Uhm. Excuse me. Pwedeng makitable sa inyo?" Nagsikantahan ang mga anghel at nagliwanag ang matipunong lalaki sa harap ko. S-Si Carl!

"Hind--" Sinipa ko si Kiko sa ilalim ng mesa saka ko siya pinandilatan ng mata.

"Oh! Sure. Sure. Upo ka." Inusog ko yung mga pagkain ni Kiko.

Dito pa siya sa harap ko mismo umupo. Yieeh.

"May sasabihin sana ako sayo Julie."

"Hmm? Ngayon na?"

KanalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon