♪Don't let me go , don't let me go~♪
-------------------------------
Tumingala ako para makita ang pagpatak ng ulan .
Napangiti nalang ako , sa mga ganitong panahon , isang tao lang ang naaalala ko . Ang nag-iisang babaing hindi nagagalit pag umuulan , hindi naiinis sa putik na maaaring tumalsik sakanya . Nakakatuwa talaga yung babaing yun .
"Jonathan papayong nga !" -Napatingin ako sa babaing tumawag sakin . Si Anastasia pala , classmate ko , at katulad ng inaasahan , kasama nya yung dalawa nyang kaibigan . Napangiti ako ng makita ko ang babaing gustong-gusto ang ulan . Si Yeng .
"Hindi ! Si Yeng na lang sabay moJonathan !" -Sabat naman ni Grizelda .
"Ah?-- Ah ! Oo sya nalang !" -Agad naman tinulak ni Anastasia si Yeng , muntik pa syang madapa mabuti nalang at nasalo ko sya . Agad akong ngumiti ng tignan nya ako . My heart started to skip a beat .
"Okay ka lang ?" -Tanong ko sakanya . Hindi ko alam kung anong ginawa nya sakin , dahil nakakaramdam ako ng kakaibang saya pag nahahawakan ko sya . Hindi , kahit makita lang sya masaya na ako .
"Ah? Ay ! Oo--so-sorry ! Okay lang ako." -Agad syang umayos ng tayo sa tabi ko . Napangiti na lang ako . Hindi talaga ako magsasawang makasama sya .
"Ang alam ko ang mgaPluviophile gusto ang ulan ? Or Am I wrong ?" -Nilagay ko yung hintuturo ko sa baba ko at kunwaring nag-isip . Nakatingin lang sya sakin ng masama , and I know I'm melting ... Damn !
"Ah , hindi nako--" -hindi nya na natapos yung sasabihin nya ng sumabat yung dalawa nyang kaibigan .
"Hindi ! May lagnatkasi yan sya kaya bawal siya ma-ulanan ." -May lagnat sya ? Wow ! So nice of me ! Buong araw ko sya kasama , hindi ko man lang alam ? I'm so stupid !
"Ah ganun ba? Tarana." -Hinawakan ko sya sa kamay para maalalayan sya . At may nararamdaman nanaman akong kuryente na dumadaloy mula sa kamay nya . Yung puso ko ! Ano ba yan ! kabaklaan naman nito !
"Gusto mo bang makinig?" -Gusto ko mapakinggan nya yung kanta na pinapakinggan ko , kasi ito yung nararamdaman ko para sakanya . Hindi ko na nga sya pinatapos mag salita eh , sinuksok ko na agad sa tenga nya yung isang earphone para hindi na sya makapag protesta .
"Alam mo gusto ko tongkantang to " -Oo , gusto ko tong kantang to dahil ito yung nararamdaman ko simula ng makilala kita . By the way , 18 ng one direction yun kanta .
Sumabay ako sa pagkanta , gusto ko maramdaman nya na para sakanya talaga yung kanta .
"Buti pa syanakaka-tsansing sa crush niya " -Narinig ko nalang na sabi ng kaibigan nyang si Anastasia , kaya napatigil ako . Alam kasi ni Anastasia at Grizelda ang nararamdaman ko para kay Yeng . Dahil sa hiyang naramdaman ko mas lalo kong binilisan yung paglalakad ko .
"Lika , hawak kanalang sakin." -Napansin ko kasi na parang bumabagal sya , siguro sumasakit yung paa nya . Sorry Yeng . Nasasaktan ba kita ? Wag ka mag-alala di ko naman sasaktan puso mo . Pinahawak ko sya sa kamay ko kung saan ko hawak yung payong para maalalayan ko sya . Yung puso ko nanaman ! Mas lalong bumibilis , kahit sa ganitong paraan lang okay na ako , hindi na ako mag hihiling na maging kami . Pero syempre mas masaya kung magiging kami .
At dahil ayokong ma bore sya , nag kwento ako ng kung anu-ano , gusto ko lang talaga marinig yung boses nya yung mahina nyang pagtawa . Solve na kasi ako sa mga ganung bagay , ang makita syang nakatingin sakin at nakangiti na ako ang dahilan .
BINABASA MO ANG
Paper Hearts (One Shot)
Teen Fiction♪I live through pictures as if I was right there by your side But you'll be good without me And if I could just give it some time I'll be alright Goodbye love you flew right by love ♪ This story is related to 'In The Rain' , it is the other side o...