Chapter 8.2

446 17 1
                                    

Tisoy's POV

TAHIMIK AKONG PUMASOK SA BAHAY. Ten thirty na ng gabi ako nakauwi. Ihinatid ko pa kasi si Maine sa bahay nila. Hinintay ko na rin siyang makatulog para masiguradong hindi na siya magmumukmok ngayong gabi.

"Kuya? Ba't ginabi ka yata ngayon? That's strange," bungad sa 'kin ni Milky na nasa living room pa pala nang mga oras na 'yon.

Imbis na hindi ako kikibo ay tumigil na lang din ako sa living room at naupo sa tabi ng kapatid ko. Medyo napagod din ako dahil nag-commute lang ako.

"Nasa'n si mommy?" tanong ko kay Milky imbis na sagutin ang tanong niya.

"Tulog na," Milky answered. "Huy, Kuya I'm asking you. Bakit ngayon ka lang?" Pinatay niya pa ang T.V. para lang marinig nang husto kung anong sasabihin ko.

Inirapan ko siya. "It's none of your business." Kahit kelan talaga, tsismosa talaga 'tong kapatid ko.

Tumayo na 'ko. I was about to leave her alone when she suddenly called me.

"What?" masungit kong tanong. Hindi naman ako gano'n kay Milky. Ginagawa ko lang 'yon kapag may inililihim ako sa kanya o kaya ay umiiwas ako sa isang topic.

She grinned. "Kung sino man 'yung babaeng 'yon kuya, I bet she's very special for you." Nag-two thumbs up pa siya. "Goodnight, Kuya."

Naiiling na lang akong umakyat sa hagdan.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon