Chapter 10.4

447 17 0
                                    

Tisoy's POV

"RICHARD FEATHERSON JR. BA TALAGA 'yung totoo mong pangalan?"

Natawa ako sa tanong na 'yon ni Maine. Eight in the evening na. Nandito na kami ngayon sa garden ng mga Martinez at nakaupo sa gazebo. Medyo kakauwi lang namin. Ako ang nag-drive para kay Maine at sa parents niya dahil kotse ko ang ginamit sa pagsundo sa kanila. Nasa loob na ng kabahayan ang parents ni Maine at nagpaalam kami na magpapahangin muna sa labas.

Natawa ako. "Ayaw mo ba talagang maniwala? Hindi ko pa nga sana sasabihin eh. But I saw how hopeless you were when they asked you for my real name."

Dinampot niya 'yung cellphone niya at may kinalikot sandali. Ako naman, I'm just staring at her. I want to cherish every moment like this. Mas nakakatuwa siyang panoorin kapag busy siya.

"Aha! Eto ba 'yung Facebook account mo?" tanong niya bago niya itinapat sa mukha ko 'yung phone niya.

Napangiti ako nang makita ko ang sarili kong timeline. "S-in-earch mo talaga ha? I told you. Ang gwapo ko 'no?"

"Asa," sagot naman ni Maine na itinaas pa ang isang sulok ng nguso niya. Ang hilig talagang mag-wacky face nitong babaeng 'to kahit kelan. "Pero infairness ang dami mong followers ha."

Ibinalik niya ang paningin niya sa hawak niya. Nangalikot ulit siya. After ng ilang seconds, tumingin siya with mischievous smile on her lips.

"Oh, bakit na naman?" natatawa kong tanong.

"Ikaw ha," she uttered.

"What?" I asked.

Instead of answering me with words, she just gave her phone to me. I saw her picture with the caption: The reason why I smiled for the whole day. 'Tsaka ko lamang na-realize na ako pala ang nag-post ng picture niya sa account ko.

Patay-malisya kong ibinalik kay Maine 'yung phone. "Well, I just posted it. Masama ba?"

"With that caption?" nakangisi pa ring sabi ni Maine.

Hindi na 'ko nakatiis. Alam kong alam ni Maine na crush ko na siya. Hays. I know it sounded so childish pero ano ba'ng magagawa ko? Talagang crush na 'yung nararamdaman ko. Masyado pang maaga para tawagin ko 'yung love kaya "crush" ang magiging best description ko.

"Meng, alam kong alam mo na 'yung nararamdaman ko ngayon," I told her while looking at her eyes. "Yes, I think this is... this is crush. I know I might disappoint you."

She smiled sweetly. "Okay lang. Basta ipangako mo sa 'kin na hindi ka magbabago. Tisoy, you're the sweetest and the most thoughtful kind of man I have ever met. It's that just, you know I'm not yet ready to fall in love again. And I think this is too fast. Let's just say, you're attractive. And attracted na 'ko sa 'yo. But that's it. Hindi pa nagtatagal magmula ng mag-formal break-up kami ni Bren."

"I know, that's why I want to be your closest friend. Kilalanin pa natin 'yung isa't isa," kalmado at nakangiti kong sabi. "Ngayong kilala mo na 'ko, wala na 'kong itinatagong secret sa 'yo."

"Yep. Hintayin natin 'yung tamang panahon. Naniniwala ako na kung destined for each other tayo, sa ganu'n tayo mapupunta," Maine nodded.

Tatayo sana siya nang bigla siyang mapahawak sa braso ko. Nakita kong nag-iba 'yung facial expression niya. She was hurt. Maya-maya ay napahawak na siya sa puso niya.

"Are you okay?" worried kong tanong bago ako nagmamadaling tumayo para alalayan siya.

Pinilit niyang ngumiti at tumayo nang diretso. "Okay lang ako. Napagod lang siguro ako."

I nodded. "Halika, ihahatid na kita sa loob."

"Salamat," she whispered as I supported her every step.


HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon