Buti na lang talaga umuulan ngayon.. Buti na lang sumasabay siya sa damdamin ko ngayon..
Nasa ilalim akong ulan, doon tahimik umiiyak.. Doon nararamdaman kong hindi ako nag-iisa, na may karamay ako sa pag-iyak.
Matapos kong ibigay lahat ng meron ako, lolokohin lang rin pala ako sa huli.
Bakit kaya kung sino pa 'yung seryoso kung magmahal, sila pa 'yung naloloko at hindi nasusuklian ng pagmamahal. Pero 'yung mga taong mga manloloko sila pa 'yung binibigyan ng sobra-sobrang pagmamahal.
Tinitignan ko ang langit. Questions are being formed in my mind. Why is it so unfair? Why can't I love someone without hurting?
Habang lumalakas ang ulan mas lalong lumalakas ang pag-iyak ko. Ganito naman eh, kapag nasasaktan walang kang magagawa, iiyak ka na lang dahil 'yun lang ang kaya mong gawin.
"Miss, Kailangan mo ata ng payong," napatigil ako sa pag-reminisce. May biglang pumayong sa akin.
"Ah hehe. Gusto ko lang maligo sa ulan." Kahit basag ang boses ko pinilit kong maging maayos magsalita. Baka mahalata niya na umiiyak ako.
"You're not good in lying, Miss. Alam kong umiiyak ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Panong nalaman niya?
Pilit naman akong napatawa. "Ha-ha, Propeta ka ba Mister?"
"Pano kung sabihin ko sayong OO?" He gave me his innocent smile.
"Okay." Sagot ko na lang. Ang FC neto.
"Gusto mo hatid na kita?" pang-aalok niya agad sa akin.
"Ha? Close na ba tayo? at saka, baka kung ano ang gawin mo sa akin no," Napatakip naman ako agad ng bibig. Shet! sinabi ko talaga 'yun?
Nag-smile naman siya ulit. "Hindi ako ganun Miss. Tara na?" tumango naman ako at sabay na kamng naglakad.
"Sa Pag-ibig street ka pala nakatira?" Tanong niya sa akin nung makarating na kami sa tapat ng bahay ko. Tumango na lang ako at nagthank you.
Pumunta ako agad sa kwarto. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko humiga ako sa kama at nagsimulang umiyak na naman. Masakit eh. Masakit na binitawan lang ako agad ni Louie. Ang ex-boyfriend ko.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na 'ko.
______________
6:45 A.M
Nasa kwarto ako at nag-aayos ng mga gamit. Papunta na akong school. Mabigat pa rin ang mga mata ko. Ayaw ko na ngang pumasok eh. Sobrang maga pa ng mata mata ko, baka kung ano pang sabihin ng lintek kong ex-boyfriend.
Pagkatapos nun bumaba na ako agad. "Bye ma," Sabi ko sabay beso sa kanya.
Pagkalabas ko ng gate ng bahay namin, muntik na akong mapatalon sa gulat.
"Good morning Cindy!" nagulat ako sa sigaw ni-- teka. Bakit alam niya pangalan ko?
"Bakit alam mo pangalan ko?" Tanong ko.
"Secret na." Hinila niya ako bigla at nagsimula na maglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Everything's happening strange. Bakit parang ang bilis? Kahapon lang kaming nagkakilala tapos ngayon sabay kaming naglalakad.
BINABASA MO ANG
Fixing a Broken Heart
Short StorySiguraduhin mong kaya mo na siyang makitang hawak-hawak ng iba. Dahil sa huli mo pa malalaman ang kahalagahan ng binitawan at binasura mong tao.