Chapter 32:

10.4K 179 9
                                    

Shantelle Kristina


"What the hell is that fucking doll doing here!"


Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa sa reaksyon ni Ram.


"Ram---"


"Ilabas mo yan." Ganun pa rin ang reaksyon nya, umalis sya at nagtuloy tuloy sa banyo. Kinuha ko ang manika na nahulog sa sahig at tinitigan.


Bakit ganun yung reaksyon ni Ram? Natatakot ba sya dito sa manika?


Naglakad ako sa tapat ng banyo, naririnig ko ang paglagasgas ng tubig. Kumatok ako.


"Ram, kay Mama kasi 'tong manika, binigay nya sa akin."


Hinintay kong sumagot si Ram, pero ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto.


"Shit!" Bahagyang napaatras si Ram ng makita nya muli ang manikang hawak ko.


"T-Takot ka ba dito?" Pinigilan kong huwag matawa sa tanong ko. Halata kasi sa reaksyon ni Ram na takot sya dito sa manika.


"Ayaw ko lang nakakakita ng manika kaya pwede bang ilayo mo yan." Lumakad na ito papunta ng closet para kumuha ng pamalit na damit.


"Mahilig rin kasi ako sa manika Ram, yung binigay kasi sa akin ni Papa noon... tinapon nina Auntie. Kaya natuwa ako ng ibigay sa akin ito ni Mama. Ito daw yung binigay sa kanya ng Papa mo noon." Hindi nagsalita si Ram at nagpatuloy lang sa paghuhubad ng damit.


"Ipapamana nya daw sana ito sa magiging anak nyang babae kaso, hindi naman sya nagkaroon, kaya sa akin na lang nya ibinigay." Lumapit ako kay Ram pero lumayo ito.


"I know, matagal na kay Mama yan, pero please... kung binigay ni Mama sayo yan, itago mo na lang. Ayoko ng nakikita yan." Sagot nya. Hindi na nagdamit si Ram at nagshorts lang saka dumapa sa kama para matulog.


"Bakit Ram?" Tanong ko.


"Matutulog na ako, kung ayaw mo akong samahan, ilabas mo na yang manikang yan."


Hindi ko na pinansin si Ram at lumabas na ng kwarto dala dala yung manika at bumalik ako sa kwarto nina Mama.


"Mama." Tawag ko pagkapasok ko sa loob, lumingon lamang sa akin si Mama.


"Takot po ba si Ram sa manika?" Huminto si Mama sa paglalagay ng mga gamit nito sa cabinet at lumapit sa akin.


"Bakit?" Tanong nito.


"Kasi po, nung makita nya 'tong manika, nakakagulat po yung reaksyon nya, parang takot sya. Pinalabas nya nga po sa akin 'to kasi ayaw nyang makita." Paliwanag ko.


"Hindi ko alam, pero napapansin ko nung bata si Ram, ayaw nya talagang nakakakita ng manika. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay ganun pa rin sya."


"Bakit po?" Umupo si Mama sa kama kaya umupo na rin ako.


"Nagsimula lamang yata iyon ng minsang malock si Ram noong bata pa sya sa kwarto kung saan nakalagay lahat ng koleksyon kong mga manika. Hindi ko rin alam ang nangyari dahil bihira kaming mamalagi sa bahay ng Papa mo noon dahil sa trabaho namin. Mga katulong lamang ang palaging kasama nina Ram at Rax. Simula ng sabihin sa akin ng katulong na nangyari iyon, napansin ko na iyon kay Ram, hindi na rin sya pumapasok sa silid namin ng Papa mo dahil nga palaging nakalagay iyan sa kama namin." Paliwanag ni Mama.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon