[★] CHAPTER 2 [★]

64 4 0
                                    

"Best, may sasalihan ka ng club?" tanong sa akin ni Max habang busy siyang tumitingin sa listahan ng mga clubs.

Ugh. Bakit ba kasi ginawang mandatory ang club? Ano kami, Highschool? At isa pa, ang hassle kasi nakakapagod sumali sa mga clubs. Daming pausong activities eh.

"Wala pa. Di ko feel yung mga club eh," walang buhay ko na sagot sa kaniya. "Basta ayoko ng club na nakakapagod at stressful. Pag may nahanap ka na, sabihan mo na lang ako. Basta kailangan magkasama tayo sa club okay."

"Pero Best, ngayon na deadline ng submission for Club Registration Form," sabay kamot nito sa ulo. "Grabe nakaka-pressure naman to Best!!! Pipili na nga lang ng club, nakaka-stress na!!"

"Pero alam kung ano ang mas nakaka-stress sa lahat?" tanong ko sa busy ko pa ding kaibigan na namimili ng club.

"What Best?"

"Yung pagtawag mo sakin ng 'Best' nakaka-stress!" sabay hampas ko ng papel sa braso niya. "Ano ka ba 'pre? Alam kong mag-bestfriend tayo, pero kilabutan ka naman sa tawag mo sa akin!"

Juice colored, kung siya na-i-stress sa club, ako naman hina-highblood sa kaniya. Saan ba kasi niya napulot yung 'Best' na yan? Napapaisip na tuloy ako sa gender nitong kaibigan ko.

Hawak hawak pa din niya yung parte ng braso niya na pinagpaluan ko sa kaniya. OA din nitong lalaking to eh no. Akala mo naman masakit ang mahampas ng isang bond paper! Bond paper against sa muscles niya? Pfsh!

"Eh yun kasi ang uso ngayon na tawagan eh. Pero fine, iba na lang ang itatawag ko sayo. Mas sikat pa sa 'Best'. 'Bae' na lang! Ayos ba Bae?"

Walang pagdadalawang isip na sinapak ko siya this time ng brochure. Ang gago lang kasi ni Max. -_-

"Pre, mukhang naka-decide na si Fluffy sa club niya. Sa tingin mo anong club sinalihan nun?" ngumuso si Max sa kinaroroonan ni Alyssa at nakita kong inaabot na niya yung Club Registration Form sa Adviser namin. Pagka-alis ng classroom ni Alyssa, lumapit naman ako sa adviser namin.

'Fluffy' ang codename ni Max kay Alyssa dahil parang ang sarap niyang gawing unan ayon sa kaniya. Medyo mean no? Pero partly true. Parang ang sarap ngang gawing pillow ni Alyssa.

"Sir, pwede po bang matignan yung paper ni Ms. Mendoza?"

Walang pagdadalawang isip namang inabot sa akin ng butihing adviser namin yung papel. "Here you go."

Tinignan ko yung sinulat ni Alyssa. Infairness to her, ang ganda ng sulat niya ah. Her name was written neatly and parang computerized ang sulat niya dahil sobrang pantay pantay ito at precise.

Nang Makita ko na yung kailangan ko, bumalik ako sa table at nagsimula ng magsulat sa Club Regsitration Form. Sinilip ni Max yung sinulat ko sa form at siya naman niyang ikinabigla.

"Pare, seryoso? Jan ka sasali?" may halong confusion at gulat sa kaniyang mga mukha.

"Yup. Bakit naman hindi?"

"But... but that's so gay!"

"Ayoko ng nakakapagod. Ayoko ng stress. For me, this club is perfect."

"But...... dude..... ayokong magsuot ng pink flowery apron habang nagluluto! So gay! Ughhh!!!!"

Hindi pa din tumitigil sa pagmamaktol itong si Max pero wala naman siyang magagawa dahil kung nasaan ako, nandoon din siya. Kaya wala siyang choice kundi sumali din sa club na sinalihan ko.

Finders KeepersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon