Meet The Prince XD (part 1)

1.5K 75 21
                                    

MEET THE PRINCE

Vacant time.

Hindi umatted ang teacher namin. May sakit ata. 

Napakaingay ng buong klase. 

Nagkakagulo lahat. 

Bawat isa ay may kausap. 

Ako? 

Wala. 

Walang gustong kumausap sakin. 

Hindi ata nila ako pinapansin. 

Sanay na ko. 

Sino ba namang gustong kumausap sa panget na tulad ko? 

Wala. 

Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay walang kumakausap sakin. 

Paminsan minsan naman ay may pumapansin din sakin. 

Kaso. 

Puro panlalait at pangaasar lang ang naririnig ko. 

Panget. 

Panget. 

Panget. 

Oo na. Panget na ako. 

Matagal ko ng alam yun. 

Hindi na nila kailangan pang ipagsigawan sa mukha ko. 

Panget na ako. 

Pero kahit na alam ko na sa sarili ko na isinumpa ang aking pagmumuka, 

hindi ko pa rin ito matanggap tanggap. 

Madami pa namang ibang tao dyan! 

Bat ako pa ang ginawang ganito? 

Bat ako pa ang naging panget?? 

Haaay. Kung gwapo lang ako.. 

Papansinin na nila ko. 

Kakausapin. 

Magkakaron ako ng maraming kaibigan. 

Im A Poser (searching for the word ''LOVE'' online) -ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon