Hi.
Hindi ko alam kung paano o saan magsisimula.
Gusto ko lang ilabas.
Bigla akong naduwag.
Pero h'wag kang mag-alala, sooner or later sasabihin ko rin naman.
Siguro naduwag ako kasi nasaktan na naman kita.
As much as I wanted to say sorry, parang ayaw ko. Para kasing wala ring silbi.
Masasaktan lang din naman siguro ulit kita at baka nga nasasaktan pa rin.Nakikita ko mga hugot comments mo.
Nasasaktan ako. Tinatamaan ako, e.
Guilty.Ha. Ha. Ang kapal, ano? Ikaw na itong nasaktan ko tapos sasabihin kong nasasaktan ako? Pero oo, e. Nasasaktan din ako.
Wala tayong magagawa, tao din ako, may nararamdaman. And to quote one of the most cliche lines, "Nasasaktan akong nasasaktan ka", lalo na't ako ang dahilan niyan. Nasasaktan akong nasasaktan kita.
E, ang tanga ko pala e, ano? E'di kung gano'n dapat pala hindi nalang kita sinaktan.Sana nga. Sana nga gano'n kadali. Sana nako-control ng tao ang feelings nila, ano? Pero hindi, e. Kasi kung gano'n, sa tingin mo ba pipiliin ko 'yong masasaktan kita?
Alam mo ba na dati sabi ko pa, "I'd rather be the one who'd be left behind than the one who'd leave"? Hanggang ngayon naman gano'n parin, e. Kasi pag mu-move on at ease ng pain lang ang kailangang intindihin at kung sakaling aasa man ako choice ko na 'yon, wala akong sisisihing iba. Pero kung ako 'yong mang-iiwan, pati nararamdaman ng iba naiisip mo rin. Nando'n 'yong hindi maalis sa isip mo na may nasasaktan ka at kung nasasaktan pa rin ba siya; okay na ba siya; naka-get over na ba siya; the list can go on.
Akala kasi ng iba, porque sila 'yong iniwan, sila lang 'yong nasasaktan. Sila lang 'yong may karapatang masaktan. Hindi n'yo ba alam na masakit din sa parte namin 'yon? Hindi naman kami nagrereklamo do'n sa sakit, e. Tanggap namin 'yon kasi alam din naman naming nakasakit kami.
Mahirap gumawa ng desisyon lalo na pag alam mong may masasaktan ka. Pero tanggapin na natin, sa mga desisyon nating ginagawa sa buhay, may mga masasaktan talaga at may mga kailangang isakripisyo o bitawan.
May mga bagay na hindi pwedeng pilitin, e. And to quote another overused line, "Nagising nalang ako isang araw na wala na". Hindi ko rin alam kung paano. I've never imagined myself saying these cliche lines. Nakakairita, e. Pero gano'n pala 'no? May mga point talaga sa buhay natin na nagagawa natin ang akala nating hinding hindi natin gagawin. Sinubukan ko. Sinubukan kong hatakin pabalik, pero wala, e.
Hindi porque na kami 'yong, sabihin na nating, nang-iwan, ginusto na namin 'yon. Siguro may mga tao talagang nang-iwan sa maling dahilan, sinadya o talagang gusto lang mang-iwan o ano man. Pero mayroon din namang dumaan muna sa butas ng karayom bago tuluyang nakapagdesisyong bumitaw.
Minsan kasi, imbes na pilitin kailangan na lang tanggapin. Baka kasi hindi naman talaga para sa'tin.
Masakit man ngayon, pero alam ko naman, sooner or later, pasasalamatan natin ang phase na 'to na dumating sa buhay natin.
"God takes away something when He something better to give." Let's just look at the brighter side of the story. Kailangan talaga sa buhay ang pain. It's inevitable. Para tayong mga clay, e. Minsan kailangang basagin para hulmahin ulit para mas tumibay at mas gumanda.
I'm not saying this to justify myself or those people who left. I just want to voice out my--or our--side. I know, it seems like we're the bad guys, and we accept it. Syempre kami 'yong nang-iwan, e. At talaga naman kasing nasaktan namin kayo. Hindi ko dedepansahan ang sarili ko. Gusto ko lang talagang malaman mo, hindi naging madali sa akin ang bitawan ka.
Hindi ako magso-sorry sa naging desisyon ko. Kesa naman kasi pilitin ko 'di ba? E'di niloko ko lang sarili ko, ikaw at ibang tao pag gano'n. At alam ko naman na may dahilan kaya nangyari 'to. May ibibigay si Lord na better. And when God gives, it's the best.
Pero bakit ko pa nga ba isinulat 'to? Kasi may nag tatalo sa isip ko kung kakausapin ba kita tungkol dito o hahayaan ko na lang. Closure. Nakikita ko kasing hinahayaan mo na, nag mu-move on ka na--which is good. Kaya para ang b*llsh*t naman kung kakausapin lang kita bigla para sabihin 'to. E'di nanggulo lang ako sa pag mu-move on mo. Sinasabi ko pa nga sa sarili ko na nagka-closure na naman tayo dati. Nagkalinawan na walang mag a-assume na may naghihintay o may nag papahintay. Pero bakit feeling ko kailangan ng closure ulit? Siguro dahil dumating tayo sa punto na nagkaaminan ulit ng nararamdaman tapos nawala ng biglaan.
Hindi kita bibigyan ng rason sa closure. Hindi ko sasabihing "Gusto ko mag focus sa ganito, ganyan", "Ayaw ko kasi muna talaga", o kung ano pa. Hindi ako mag bibitaw ng salita kasi hindi ko rin naman alam ang mangyayari sa mga susunod na mga araw, linggo, buwan o taon.
Hindi ko alam kung magagalit ka, maiinis o ano pa kasi alam kong maintindihing tao ka. Syempre nando'n 'yong sakit. Hindi ko aabusuhin 'yong pagiging mabait at maintindihin mo pero ipagdarasal ko na hilumin ng Diyos ang sugat na naidulot ko sa puso mo. At kung magalit o mainis ka man, ipagdarasal ko rin na tanggalin ng Diyos 'yon. Hindi para sa akin kung hindi ay para sa'yo. Nakakasira ang galit sa pagkatao. Tanggap ko naman kung sakaling magalit ka, kahit pakiramdam ko naman ay hindi. Pero ipagdarasal ko pa rin na Diyos na ang bahalang humawak sa puso mo.
Isa na namang gasgas na linya, "I hope we can still be friends". Hindi naman kasi imposible sa'tin 'yon, e. Hindi naman kasi tayo 'yong tipong porque may nakaraan, hindi na pwedeng magkaibigan, 'di ba? Sana sa hinaharap magagawa parin natin 'yon. 'Yong tipong nag-uusap tayo na parang matalik na mag kaibigan, tulad ng dati, kahit pareho na tayong may ibang minamahal. I'm looking forward to know that girl that God will give you. Am I asking for the impossible? Am I being selfish? Hindi naman imposible, e. Siguro nga selfish, pero alam ko namang hindi ikaw 'yong tipong itatapon ang pinagsamahan dahil sa issue ng nakaraan.
Kung hindi man tayo makapag-usap ng tulad ng dati na parang mag best friends, baka naman pwede parin tayong mag-usap kahit parang simpleng mag kaibigan lang. Tungkol sa buhay buhay at kay Lord. Hindi man siguro kasing close ng dati pero mag kaibigan parin. Pero alam ko namang kaya nating i-restore 'yong closeness na 'yon, e. 'Yong mga asaran and stuff.
Alam kong sinabi ko na ayaw kong mag sorry, pero siguro ito na 'yong huli. Hindi ako magsasabi ng excuses, rason, dahilan o kung ano man. Simple lang.Sorry.
Alam mo ba kung ano ang best and perfect relationship? It's a relationship that helps you grow closer to God. Wala na man tayong romantic relationship pero siguro naman pwede 'yong relationship bilang magkaibigan na nagtutulungan sa pag grow closer kay God, 'di ba?
Ipagdarasal kita, 'yong puso mo, at 'yong journey mo sa buhay. Pati na rin ang will ni Lord sa'yo at sa atin pareho. Hindi pa ito ang huli kung hindi ay bagong simula na naman. I'm looking forward to witness the next chapters of our lives--individually at kahit sa atin pareho, kung saan man ang patutunguhan ng ending slash new beginning ng story na 'to. Ipagdarasal ko ang conintuous guidance ni Lord sa ating dalawa.
You've been and will always be special and I will always treasure what we had.
Galing sa taong may nararamdaman, nakasakit at nasasaktan din,
Ang nang-iwan.
---
2015
tumblr: June 20 // shadowcloud
wattpad: October 2 // yeshesen(c) snnns (tumblr) | cover
BINABASA MO ANG
Liham Para Sa Naiwan
RomanceMadalas ang mga nang-iiwan ay silang kontrabida, pero tao din naman at nasasaktan tulad ng iba. Hindi naman porque nang-iwan, wala ng karapatang masaktan. Tao din sila, may nararamdaman.