Disclaimer: Di pa ako nakakagawa ng buong Tagalog na kwento. Try lang ito ha.
Isa ako sa mga naniniwalang merong forever. Pero choosy na kung choosy . . . Ayoko sa mayabang na si Charlie. Ewan ko kung bakit pero nayayabangan talaga ako sa hinayupak na yun. Bakit ba ang dami nabubulagan sa kanya? Eh maputi lang naman siya. Paitimin mo yun, ang panget na!
Sinu si Charlie? Siya lang naman yung makapal na mukha na nagkakalat sa school namin na mahal ko daw siya. Anu naman basihan nya dun? Kapal ng mukha nya!
Well, I know he is the boy next door type . . . Pero iba kasi yung type ko. Type ko? Yung may pagkaweird. Nakaglasses. Mga ganun. Tama Nerdy type!
Nababatukan nga ako ng mga kaibigan ko. Yung mga type nila, di ko type. ewan ko ba? At least di kami nag aaway.
Yung crush ko? Ako pa talaga tinanong nyo . . . Nakakahiya pero sige sasabihin ko na. Mamaya.
Anu ba ang nagugustuhan nila kay Charlie? Ayun ang pinagtataka ko sa lahat ng babae!
Naku speaking of . . . ayan na siya. Papalapit na naman siya sa akin. Putek saan ako magtatago. Sa silya?
"Sinu iniisip mo? Ako na naman noh? Well ganyan talaga pag patay na patay sa akin. Natutulala."
Ignore ko lang sya.
"Pag di ka nagsalita, hahalikan kita!"
"Yuck!"
"Ayun narinig ko din ang boses ng mahal ko."
Mahal ko? Agad agad? Grabe ang presko!
"Uy sinusumpa mo na naman ako sa isip mo. Masama yan!"
"Umalis ka na nga! Buwisit!"
"Anu ba gusto mo para di ka na mainis sa akin."
"Humanap ka nang ibang kausap!"
"Edi mamimiss mo ko?"
"Hindi. Ikakatuwa ko pa!"
"Bakit ka ba ganyan?" Ngumuso sya na at umalis.
Hay salamat! Nakahinga ako ng maluwag! Papunta na dapat ako sa classroom ng Grade 9. Bigla may humarang sa aking mga babaitang nangangain ng gluta!
"Bakit ba ikaw ang gusto ni Charlie? Di ka naman maganda. Ang itim mo kaya!"
Ay grabe si ate! Kala mo ang ganda nya. Well, maganda nga sya! Pero sabi nga nila beauty fades.
"Kinakausap mo na naman sarili mo. Baliw ka"
Anu ba yan si ate! ayaw ako tigilan! "Edi sayo na si Charlie!"
"Bakit sayo ba sya?"
"Eh bakit nyo ko idinadamay? Nananahimik ako eh"
Bigla nya ako tinulak. Sympre hindi ako nagpatalo. Hindi naman ako si Sarah ang munting prinsesa. Hindi din ako si Mara sa Mara Clara.