#DiaryNiMrL
ENTRY # 11
WAAAAAAHHHHHH DD!!!!!!!!!!!
OH MY GOSH! OH MY GOSH! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE! I'M GONNA DIE!!!!!!!! DE JOKE!!! HINDI PA AKO HANDA MAMATAY NOH DAHIL KINIKILIG PA AKO!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Spell KILIG? K-I-L-I-G...
Paano naman kasing hindi ako kikiligin ng todo ngayong araw... Eh kasi... KINAUSAP AKO NI RED!!! YAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!
Para tuloy akong kiti-kiti ngayon dahil sa kilig! Feeling ko, kumain ako ng sinigang na may kasamang sinigang mix na may sipa ng ASIM-KILIG!
Anyway highway... Oo DD! Kinausap niya ako... Siguro mga 5 seconds...
Ganito kasi iyon...
May quiz kami kanina sa environmental science... Nagulat na lamang ako ng bigla akong kalabitin ng katabi kong si Red at nanghiram sa akin ng ballpen dahil naiwan niya raw iyong ballpen niya sa bahay nila. Ang seryoso pa nga rin ng mukha niya habang nanghihiram. Wala man lang lambing.
Pero ok lang... Dahil bilang dakilang may kalandian rin naman ako... Siyempre ako naman, bahagyang natulala at hindi makapaniwala sa nangyari. Magkahalong kaba at kilig ang naramdaman ko. Feeling ko nga, nag-init at namula ang pisngi ko. Para pa nga akong nakuryente dahil sa ginawa niyang pangangalabit sa akin. Feeling ko tuloy... Nasa cloud 9 ako at ayoko ng umalis pa roon.
Pinahiram ko rin naman siya ng ballpen ko without pagdadalawang-isip... Siyempre... crush ko kaya siya kaya dapat lang na pahiramin ko siya... 'Yun nga lang, hindi na ako nakasagot sa quiz kasi iisa rin lang kasi iyong dala kong ballpen. Malay ko ba na manghihiram siya sa akin... Eh di sana nagdala ako ng 100 na extra ballpen pa.
Pero ok lang na hindi ako nakasagot sa quiz... at least, kinausap niya ako di ba? Ang saya-saya ko pa rin kahit na wala akong quiz at mamarakahan akong ITLOG! As in ZERO! Hay! Spell MALANDI? Ako iyon! Hahahahahahahaha!
Wala nga lang siyang kaalam-alam na hindi na ako nakasagot ng quiz kasi pagkatapos niyang manghiram sa akin, hindi na siya muli tumingin pa sa akin at sa halip, tumitingin lang ito sa white board kung saan nakasulat ang sampung tanong sa quiz tapos babalik ang tingin nito sa papel kapag alam na ang sagot. Hahahahahaha! Saklap! Walang pakielam talaga sa mundo ang lalaking ito. Pero ok lang, at least malaya kong napagmasdan na lang ang gwapo niyang mukha sa buong oras ng quiz. Mabuti nga at hindi niya ako napansin at ng prof namin sa ginagawa kong pagtitig sa mukha ni Red. Paano, lagi lang nakaupo sa upuan na nasa harapan at nagbabasa ng diyaryo habang hindi alam na iyong mga estudyante pala niya, nagkokopyahan na.
Ito nga oh DD... Hawak ko ngayon sa kamay ko 'yung ballpen na hiniram sa akin ni Red. Talagang hawak-hawak ko pa rin ito simula nung isoli na niya muli sa akin ito hanggang ngayon na kinakausap kita DD... Feeling ko kasi, sa paghawak ko ngayon sa ballpen na ito, parang hawak ko na rin ang kamay ni Red.
Hay! Do you think DD... I'm inlove na talaga or kalandian lang itong nararamdaman ko? Ano nga kaya? Ah basta... Kinikilig ako ngayon at walang makakapigil sa akin! Hahahahahaha!
Hindi ko tuloy mapigilan mapakanta ng...
Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Eto ba ang simula
Hindi na mapipigilan
Pag-ibig nga kaya ito
Sana'y di na matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito
Oooh Oooh Oooh
Pagka't nararamdaman
Pag-ibig natin natagpuan...
WAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!! Kinikilig talaga ako!
-Law Adrian Mendoza
PS: NGAYON LANG AKO NAKARAMDAM NG GANITO KATINDING KILIG SA BUONG EXISTENT KO SA EARTH... MAS MATINDI PA ITO KAYSA SA NARAMDAMAN KONG KILIG NOON TOWARDS KAY HAYGIN!
BINABASA MO ANG
DIARY NI MR. L [BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES]
فكاهةTARA NA'T BASAHIN NATIN ANG NILALAMAN NG DIARY NI MR. L... "DIARY NI MR.L" BOYXBOY DIARY FORMAT SERIES DATE STARTED: SEPTEMBER 26,2015 (SATURDAY) DATE FINISHED: OCTOBER 24,2015 (SATURDAY) A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL SERIES ALL RIGHTS RESERVE, 2015 C...