Hadlang ng Pag-ibig

37 2 0
                                    

Ang pagka-iba ay hadlang ba sa buhay ng bingi para umibig? May iibig kaya sa bingi?

Si Anna Hamilton ay ipinanganak na may angking kagandahan na kung saan ang lahat na makakita at makatitig sa mga maamuhing mga mata at mapula-pulang labi ay talagang mabibighani ngunit sa kasamaang palad ng siya ay labing-anim na taong gulang, siya ay na aksidenti na nagdudulot sa kanya na maging bingi. Ito ba ay hadlang sa kanya para umibig sa isang tao na mala-adonis ang dating at ipinanganak na normal?

Isang araw, si Anna ay palabas na sa paaralan ng mga "Special Child" na may dalang maraming gami habang hinahanap niya ang kanyang pitaka sa bag niya at hindi nya namalayan na mababangga pala siya ng isang lalaki. Si Anna ay nadapa at nalaglag ang mga dalang gamit nito at pinatayo naman siya kaagad ng lalaki at pinulot ang mga gamit nito at agad humingi ng paumanhin "I am sorry ,hindi ko po sinasadya, I'm kedrick Wong po pala and you?"
Nasa mga kamay ni Anna ang mga gamit nya at bilang pasasalamat ngiti lamang ang kanyang iginanti kay kedrick at sumakay siya kaagad sa taxi na ibinigay lang niya ang isang maliit na papel na kung saan nakasulat ang address nya.

Sa Bahay ni Kedricl Wong:

Sino kaya yung babae na nakasalubong ko kanina? Hindi mn lang nagsalita pero ang ganda namn ng mga ngiti nya at ang kanyang mga mata ,nakakabighani talaga ang kagandahan nya. Hindi kaya bingi? O pepe siya? AHHAHAHA no way! She's so beautiful at magiging special? Ahhaha

Sa Bahay ni Anna Hamilton:

Ako ba ay umiibig na? Bakit palagi ko siyang iniisip? Tatanggapin niya ba ang pagkatao ko? O tatawanan nya lang ang sarili nya na iibig sa taong tulad ko.
Hay!!! Nako Anna! Hindi ka niya iibigin dahil bingi ka at hindi kayo "compatible"
Love is acceptance namn dba? Hindi naman po hadlang ang pagiging bingi upang umibig diba?

Napasabi ni Anna sa sarili niya na kung nag-inggat pa siya hindi sana siya magiging bingi at naabutan siya ng kangyang ina na tumutulo ang luha at siya naman ay niyakap. Tinanung naman ng kanyang ina kung bakit ba siya umiiyak at sinabi ni Anna ang mga pangyayari sa araw na iyon sa pamamagitan sa pagsusulat.

"Anak ang pagka-iba ay hindi hadlang para sa isang tao para umibig. Lahat namn tayo ay iibig anak at dadating ang taong tunay na nagmamahal sa atin sa tamang panahon. At ang sukatan sa tunay na pag-ibig ay hindi aa kagandahan o katalinuhan kundi ang pagtatanggap sa isang taon maging sino ka man dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi nakikita sapagkat ito ay ay madarama."

Napangiti at napayaka si Anna sa kanyang ina pagkatapos basahin ang isinulat ng ina.

Kinabukasan, sa parehong oras at lugar si Anna ay inaabangan ni Kedrick dahil siya ay hindi mapakali na hindi niya nalaman ang pangalan ni Anna.

Habang naghihintay si Anna ng taxi, tinatabihan siya ng isang lalaki na hindi niya namalayan at pumunta ang lalaki sa kanyang harapan upang mapansin dahil walang kibo si Anna. At nagulat si Anna sa biglang pagpunta ni kedrick sa harapan niya at binigyan lamang siya ng matamis na ngiti ni kedrick at sabay sabi na "Gusto ko lang makilala ka, I will invite you sana na mag-coffee tayo." Walang naisagut si Anna dahil niya alam ang pinagsasabi nito ngunit sinulatan nya si kedrick na siya si Anna Hamilton at isa siyang bingi ng dahil sa aksidenting nakamit nya noong siya ay labing-anim na taong gulang at ito ay binasa namn ni Kedrick at sinulatan namn nya niya na "It doesn't matter,nagkakaintindihan naman tayo at wala naman akong pinipili sa mga taong gusto kung makilala dahil for me ,what matters the most ,can be seen with in ,,,so will you going to take my offer?"

Napangiti si Anna at sinulatan niya na hindi siya makasama dahil uuwi siya ng maaga at sa susunod nalang.
Nanghihinayang ang mukha ni kedrick at sinulatan siya ni kedrick na siya pala si Kedrick Wong at hihintayin niya si Anna bukas dahil magkakape pa sila at mag-uusap ng pangmatagalan.

Abut langit ang mga ngiti ni Anna at ito ay namalayan ng ina at ibinahagi namn ni Anna ang mga pangyayaring naganap at dahil doon masaya na rin ang kanyang ina. At sinabi namn ng ina sa pamamagitan ng pagsulat na dito nalang sila magkape at maghaponan sa sa bahay nila bukas. Masayang masay si Anna at hindi makapaghintay.

------------------------------------------------------

Gumising si Anna na may matatamis na mga ngiti at pumasok sa paaralan at nang magsilabasan na sila,sabik na sabik siya at nagmamadali pang lumabas sa kanilang paaralan at pinuntahan niya ang lugar na kung saan sila parating nagkita.

Maggagabi na at wala parin si kedrick at nasabi niya sa sarili nya na baka na traffic lang siya ar hindi siya pinapa-asa nito. Mag alas-10 na sa gabi at ang kanyang ina ay abalang abala na kung bakit hindi pa umuuwi ang kanyang Anna kaya nag memessage siya kay Anna kung saan na siya at kung kasama ba niya si kedrick. Napaluha si Anna at nagalit kay kedrick kung bakit siya pinapaasa na kung saan mahirap maghihintay sa taong hindi dadating. Nakasakay na ng taxi si Anna at paglabas nito hindi mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha at sinalubung agad siya sa kanyang ina na nagtataka kung bakit luhaan siya at dinala niya ka agad ang kanyang anak sa kwarto niya at doon na usap sila hanggang napatahan niya ito nakatulog.

Ang Buhay ng Binging DalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon