NOTE:
IORI is pronounced as 'E-Yu-Ri'.
Thanks! :)
October 18, 2015 posted.
###
NUMB 5
Nakatulog ako sa kakaisip. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman ko na nagugutom na ako.
Nakakainis naman! Bakit ba kasi sobrang possessive ni Iori?!
We're already two years in our relationship as lovers and also going strong. I managed to control my temper whenever he was jealous. Tinitiis ko siya.
Iori Steeven Montefiero, is also a heir just like me. He has a complete family. Sa isang All Boys School siya nag-aaral. Sa Easton University, also a prestigious elite school.
We met in a restaurant. He was the first one who approached me. He's nice and kind. But when he's jealous, he becomes a beast. Sobrang possessive niya talaga kapag nakikita niya akong may kasamang ibang tao. Lalong lalo na sa lalaki.
Mahal ko siya. Kaya kong tiisin ang pagkapossessive nito.
Nakita ko si Caleb na nagluluto ng pagkain sa kitchen. He is cooking a beef steak. It smells good. Mas kumulo pa ang tiyan ko.
"Oh? Are you still tired?"
"Okay na ako."
"Malapit na 'to. Sit down." Tumango ako at umupo sa high chair malapit sa mini bar nito.
Parang at home na at home na ako dito kahit na first time ko pa lang pumunta dito.
Inabala ko muna ang sarili ko sa panonood ng mga wines at liquors sa mini bar ni Caleb.
Tiningnan ko rin ang paligid at mga interior designs sa rest house nito. Ang ganda rin ng mga paintings. Nakita ko rin ang mga family pictures sa hearthstone.
Nakita ko si Tita Catlin at Tito Leibrin na nakangiti kasama si Caleb sa isang picture. Those happy moments. It all disappeared when tita passed away.
I sighed. Binalik ko na lang ang tingin ko kay Caleb. His back view is nice to see.
I missed him. As my childhood friend of course. Not the other way around.
He has Lavine in his heart and I have Iori in mine.
"Dinner's ready. Alam kong nagugutom ka na." He put the beef steak in front of me and then the rice. He also got the plates ready.
"Itadakimasu!" I said in Japanese. Sa sobrang panonood ko ng anime, alam ko na ang language nila.
"What did you say?" Nakakunot noong tanong nito.
"Let's eat!" Natatawang sabi ko.
"You're still addicted to anime?" Tanong nito. Tumango lang ako kasi I have food in my mouth.
"By the way, your stay here is not free. You must work for it." Seryosong sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?!" I asked. Mukhang naging blanko ang isip ko. "Pakiulit nga?"
"I said. Hindi libre ang pagtuloy mo rito. Kailangan mong magtrabaho para sa iyong mga kailangan. Hindi mo ako katulong dito. At alam kong itinuturing kang prinsesa sa bahay ninyo but dito you must work hard." Anito at sinubo ang kutsarang may laman ng steak at kanin.
"Ano? Bakit ganyan?! Hindi ko alam na ganyan ang dadanasin ko kapag pumunta ako dito. Seriously, Caleb? Are you kidding me?!"
"I kid you not."
Tinitigan ko siya para makita na iniinis niya lang ako pero hindi eh. Seryoso siya.
I guess I need to pack up my things and get out of here fast. What a jerk!
Hindi rin ako katulong ano!"Akala ko ba may kasambahay dito?!"
"Nope. I live here alone. I'm independent."
"Well, we're different. I'm dependent on others. Hindi ako marunong gumawa ng kahit anong chores sa bahay."
"In here, you must learn."
"Ito ba ang rason kung bakit mo ako pinapunta dito? Para alilain ako? What did you mean when you said 'help' on the phone? Ito ba 'yun?! Answer me, Caleb!"
"What if that's really my reason?"
Kumukulo na talaga ang dugo ko. Hindi ako alila! I must go home now. Bahala siya sa buhay niya!
I can't take this!
"You can't possibly think that you can go home now, do you?" He smirked. "My helicopter is not here."
"Nakakapikon ka na ha! Pauwiin mo ako!"
"Nope."
Nakatayo na ako sa inuupuan ko at sinisigawan ko na siya. Pero parang wala itong naririnig.
"Caleb! We're friends, right? Pakawalan mo na ako ngayon din! Nakakainis ka!"
"I won't. You must stay here until I say so."
"What the hell?! At kailan naman 'yun?"
"When you know how to do the chores." He laughed at me. Habang ako dito ay nakasimangot at nakacrossed arms.
"Really?!"
"Really."
"Nakakastress ka naman! Leche ka talaga! I hate you! We're not friends anymore!" Sigaw ko at tumakbo papuntang silid ko na hindi lumilingon kay Caleb.
Padabog kong isinara ang pinto.
Napasigaw naman ako dahil sa frustrations. I didn't expect this to happen to me!I came here to tell him to come back to his senses but what did I got? I'm trapped here!
Gusto kong umiyak. He tricked me!
I need to call my mother or tito Leib.
I tried to contact either of them but it's busy. May signal naman dito kanina ah? Bakit nawala?
I'm pissed! I hate Caleb for this! I need to find a way out of this island.
Hinalungkat ko ang bagahe ko at hinanap ang isa ko pang phone ara makatawag ako kay mama.
I tried calling but it's still the same.
The number I'm callin is out of coverage area. Hindi ko napigilan mapatili.
Nakakainis! Itutulog ko na nga lang ito. Pero bago 'yun ay maliligo muna ako.
Dumiretso ako sa banyo at nagstay sa bathtub para mag-isip isip.
I know I'm rude to him but nakakainis talaga siya. Kung alam ko lang hindi na sana ako pumunta dito.
Napabuntong hininga ako.
Kung sana nag-isip isip muna ako at hindi nagpadalos-dalos sa aking desisyon. Kung sana hindi ito nangyari sa akin.
But I guess it's too late now. Nandito na ako and there's no turning back. Hundi ako makakaalis dito kapag hindi ko sinunod si Caleb sa gusto nito.
Maybe he's depressed that's why he is doing this. I remembered that Lavine already rejected his feelings.
I need to calm myself. I need to help him get over his painful rejection from Lavine para hindi niya na ako pagbubuntunan ng galit.
I'm not Lavine. I'm Gracie for crying out loud!
I dried my hair with the blow dryer I brought. Kailangan ko ng magpahinga dahil ang haba kanina ng biyahe ko papunta dito.
Nakapajama na ako and went to my bed. Mabuti naman at may comforter dito.
Bukas nalang ako magsosorry sa kanya. He's at fault.
I'm off to dreamland.
###
= IrsBlueGreen =
BINABASA MO ANG
Numb In Love
ChickLitLovely Heiresses Trilogy #2 Graciela Frances Simone story. "Sometimes we love people so much, that we have to be NUMB to feel it. Because if we actually felt how much we loved them, it would kill us." Ano bang mangyayari kung pareho kayong tao na p...