At dahil ikaw ang unang nagbigay ng feedback, para sayo to. :)))) Sana magustuhan mo!
Sabrina’s POV
“Wooooooh! Finally! Gagraduate na din!!”
Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school ko. Graduation namin ngayong araw. Sa wakas! After 7 years sa highschool e gagraduate na din ako!! Ganito pala ang feeling. Heaven! :))
Eto na. Nagbibigay na sila ng certificates. Kinakabahan ako. ><
“Myrtle Sabrina Lacson”
OHEMGI! Ako na nga?! Ako na? Oh noes!! Ako na nga!
Umakyat na ako ng stage. Syempre todo smile ako. E kinakabahan ako e. Proud ako na nakagraduate na ako kahit nagrepeat ako ng tatlong beses. Hehehe v(^^,)
Nung natapos na lahat, including speeches and awardings, sa wakas!! NAKAGRADUATE NA AKOOOO! *.*
“Saaaaaab! Finally!! Congrats! Dapat pinaabot mo na ng 10 years para may loyalty award ka. Hahaha!” – Aris
“Walangya ka! Hahaha! Tara libre mo ko. Token mo man lang sakin.” (¬.¬)
“Oyyy. Kaw dapat manlibre sakin! Tara na!”
Si Aris nga pala. Bestfriend ko. Matibay tong taong to. Akalain mo? Natiis ako? :D Sya ang taong di sumuko sa mga kalokohan ko. Actually di naman ako nagrepeat ng tatlong beses dahil sa mahina utak ko. Nagrebelde kasi ako. Di ko alam anong rason ko bakit ako nagrerebelde. Basta feel ko lang. Siguro peer pressure na din. Nasama ako sa mga mabisyong tao. Kaya eto ako ngayon, dinaig pa ang lalaki sa paginom ng alak at pagyosi.
“Turtle!”
(O.O) Turtle?! Isa lang ang tumatawag na ganyan sa akin. Paglingon ko... O.O
“Eli?!”
Si Eli.. u.u ang aking unang pag-ibig. Turtle ang tawag nya sa akin dahil katunog daw ng Myrtle ang Turtle.. Maliit din daw ako. Duh?! Di naman ako maliit. Sadyang matangkad lang sya sakin. ^^, Di naman ako mabagal para tawagin nya kong turtle. Ang liksi ko nga e. Ewan ko sa utak ng isang yan. ><
Haaaay. Parang ngayon alam ko na kung bakit ako nagrebelde. Nakita ko kasi ang rason. TT Apat na taon ko na rin hindi nakikita si Eli. Noong 3rd year kami, umuwi sya sa probinsya nila. Nagkaaminan kami ilang linggo bago sya umalis. Naging kami man e long distance naman. Hindi man lang kami nabigyan ng pagkakataon na magsama ng matagal.
May communication naman kami noon. Everyday. Trice a week. Once a week. Once a month. Hanggang sa tuluyan ng nawala. Nabalitaan ko nalang na may iba na syang girlfriend. And worst? Nabuntis pa nya. Sobrang broke ako noong mga panahon na yun. Ang saklap lang. Kawawa ang puso ko na umasa sa wala. At yun nga, gusto kong sirain ang buhay ko. Ang engot ko lang para gawin yun. Hahaha!
Linapitan ako ni Eli at niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Pagkatapos ng lahat? Grabe. Parang walang nangyare.
“Sobrang namiss kita Turtle! Congrats!”
“Ah. Eh. Oo nga e. Salamat Eli.”
Talking bout awkwardness. -.- Inalis ko na yung pagkakayakap nya. Ang dami kong gustong itanong. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kanina lang ang saya saya ko. Ngayon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
Bakit pa sya bumalik? Para san pa? Masaya na ako sa buhay ko. Pero ngayon, bumalik lahat ng sakit. 4 years na ang nakalipas. Sa apat na taon na yon, hindi ako nakakamove on. Ewan ko ba. Siguro dahil natamaan ang pride and dignity ko. Malaman mo ba naman na ang boyfriend mo ay nakabuntis at two timer pa.
“Kumusta ka na Tle? Laki na ng pinagbago mo ah! Sya ba boyfriend mo?” – Eli sabay turo kay Aris.
“Ah. Hehe. Ok lang naman ako. Ikaw? Balita ko nag-asawa ka na daw.”
Oww. Di ko napigilan ang bibig ko. Anobeyen. >.<
“Ah! Gusto nyo muna bang kumain? My treat. Tutal graduation mo naman.” :) Pagiiwas nya sa topic. Nakooooo.
Buti pa tong si Eli, galante. Di gaya ng bestfriend kong kuripot. -.-
“Sge kayo nalang muna. May pupuntahan pa pala ako. Sge Sab ah! Una na ako. Puntahan nalang kita mamaya sa bahay nyo. Congrats ulit!” – Aris
At umalis na nga si Aris. Langya to. Iniwan ako kay Eli. Pero mas ok na rin siguro to para makapagusap kami ng maayos.
“So, tara na?” – Eli
******
Nandito kami ngayon sa mall. Kanina pa kami tahimik dalawa. Ang awkward kaya no.
“San mo gustong kumain?” Nagulat ako. Naman kasi no. Di sya nagbibigay ng warning. Hahaha!
“Ah ikaw bahala. Kaw naman manlilibre e.” Sabi ko. Pero ang totoo nyan, gusto ko ng monster float at fries. Pero gusto ko rin ng shark’s fin with lemak rice. Gusto ko rin kumain ng spaghetti. Hay ano ba yan. Kahit kailan talaga PG (Patay Gutom) ako.
“Hm. Parang gusto ko magrice. Tara Paotsin tayo.”
Waaaah! Paotsin! ♥o♥ Favorite ko ang shark’s fin nila dito. Di ito mamahalin gaya ng ibang resto. Sa foodcourt nga lang sya e. Nasa 50+ lang ang pagkain pero the best para sa akin. :))) Medyo matagal na din ako di nakakakain dito e. Busy kasi sa school lately. (Talaga lang ha. Hahaha!)
“TARAAAAAA!!” Sabay hila sa kanya papuntang hypermarket para sa hyper na katulad ko at makabili na kami ng paborito kong shark’s fin. \(^^,)/
Nag-order na sya ng kakainin namin. Natupad na ang isa sa mga pinangarap kong kainin. SHARK’S FIN WITH LEMAK RICE ♥♥
Habang kumakain kami, gusto ko ng magtanong. Pero nahihiya ako. Parang ayaw kong magkaroon ng awkwardness although awkward na. Haaaay. Pero parang hindi ako mapapakali pag hindi ako nagtanong. -.-
“Eli/Tle” Uh-oh.
(Author's Note: Kawaii! \(^^,)/ Feel free to voice out your feelings! Haha! Pasensya na at lame ang update. Comment please? :'>)