I'm just a boy

13 4 0
                                    

By: kulotgypsy

May nagawa akong hindi ko sinasadya.

Hindi ko naman talaga yun sinasadya.

Sa isip ko, hindi ko yun ginawa.

Hindi nga ba talaga?

Hindi ko nga ba yun ginawa?

Hindi ko nga ba talaga sinadya , hindi ko nga ba sinasadya ang manakit.

Manakit sa taong walang ibang alam kundi ang mahalin ako ng todo-todo.

Ako naman tong gago walang ibang alam kundi, ang idulot sa kanya ang sakit at pait na hindi karapat dapat sa isang mala-anghel na katulad nya.

Ang dapat naman talaga sa kanya ay pasayahin at mahalin ng buong puso, Pero bakit ko to nagawa.

Ano ba tong idinulot ko sa kanya.

Mahal ko sya. Pero bakit ganito?!

Ang daming tanong sa sarili ko na di ko masagot-sagot.

Ang daming tanong na, kahit ako ay hindi ko mawari.

Ganito ba talaga pag-lalaki ka?

Hindi mo alam na nakakasakit kana?

Hindi mo alam na nakadulot kana ng pait. Nakadulot ka ng pait sa taong walang ginawa kundi mahalin ka lang ng buong puso, yung kahit buong buhay na nya ibibigay nya wag mulang syang iwan.

-------

Ako si Kenzo Ong.

Ako lng naman ang walang hiyang gumago sa sarili kong minamahal na si Angel Nicole Yap.

Mahal ko sya. Pero hindi ko alam kung paano ko yun nagawa sa kanya.

Bakit ko ba yun ginawa. Napaka gago ko.

Sinaktan ko siya at iniwan para lng sa isang pansamantalang kasiyahan.

Mahal ko siya higit pa sa buhay ko.

Pero bakit gano'n?

biglang nag bago ang nararamdaman ko bigla-bigla lng.

Ito ba ang sinasabi nilang pag lalaki ka hindi mo to maiiwasan?

-----

Tatlong taon na kami mahigit ni Angel, mahal ko sya.

Kahit ginago ko sya. Hindi ko yun sinasadya .

-------

Sabado ng gabie nag-paalam si Angel na may outing daw sila ng pamilya nya sa batangas. Pinapasama nya sana ako pero may pasok ako sa mga panahong yun. Kaya naman napilitan syang sumama kahit wala ako.

Kahit na ang pamilya ni Angel ay niyaya ako.

Open kami sa relasyon namin sa kanila. Kahit anong ganap tungkol sa relasyon namin ay alam na alam nila. Kahit nga yung 1st break-up namin alam nila. Yung pagkakabalikan namin ay alam rin nila. Botong-Boto ang pamilya nya sa akin gayon din sina mama sa kanya.

Kaya naman maganda ang pagsasama naming dalawa.

---

Sa totoo lng, wala naman talaga akong pasok sa panahong iyon.

Mas ginusto ko lng sumama sa mga barkada kong gigimik sa mga panahong iyon.

Hindi lng tong unang beses na nag-sinungaling ako kay angel, nong dati nga sinabi kong may lagnat ako kahit wala naman para lng sumama sa mga barkada ko sa isang hunt chix bar.

Ou. Mahal ko si angel, pero hindi ko maikakailang natutukso talaga ako sa ibang babae. Siguro nga this is not a pure love they called. But I love her.

I'm just a boyWhere stories live. Discover now