CHAPTER XXI - A MAN WITH A BLACK CAPE

27 2 0
                                    


*

Tumunog ang alarm clock ni Mia. Dalawang linggo na ang nakakaraan ng umalis si Eneru sa mundo. Hindi parin siya makapaniwala, ngunit kailangan niya i-accept ang fact na umalis na nga ang demi-god.

Still, wala paring balita kay Einstenius. Kung may magagawa ba siya o ano, ang alam lang niya at ang tanging magagawa lang niya ay ang maghintay. Ni hindi niya rin alam kung kailan ang kasal ni Eneru.

Namulat ang mata niya nang mapansin niyang mag-iisang oras na siyang nakatulala at nakaupo parin sa kama.

"Good morning Papa. Papasok na po ako." Palabas na sana siya ng tinawag siya ng Papa niya.
"Mia. Linggo ngayon anak. At hindi ba wala na kayong pasok?"

Shit. Oo nga pala.

Pumanhik ulit siya sa taas, sa kwarto niya. Hinubad at pinalitan niya ang uniform niya at lumapit sa kwago.
"Einstenius. Ano na? Magsalita ka naman o! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please."

Bigla'y bumuka ang mga mata ng kwago. "Mia! Hey, what's up yo?"
"Eins, buti na lang at narinig mo ako. Kumusta si Eneru? Okay lang ba siya? Na-nagpakasal na ba sila..."
"Hindi pa."
"Talaga?"

"Oo, bukas pa ang pag-iisa nila."

Nanlaki ang mga mata ni Mia. "Ano?!!"
"Mia, sorry pero wala akong magagawa. Hindi ka din papahintulutang pumasok dito sa White Portal. Patawad."
"Bakit? Ang sabi mo..."

"Ang sabi ko, huwag kang umasa Mia. Dahil, dahil isa ka lang ordinaryong nilalang at si Eneru ay isang demi-god. Tandaan mo yan." Tinakpan ni Mia ang bibig niya, wala na siyang magagawa. Then, nag-walk out siya bigla palabas ng bahay nila.
"Waak! Mia!"

Hindi alam ni Mia kung saan pupunta, pero maya-maya ay napunta siya sa isang pamilyar na lugar. Sa sementeryo. Doon pinuntahan niya ang puntod ng kanyang ina.

Ngunit nagulat siya ng may nakita siyang tao na nandoon.

Isang lalaking nakasuot ng itim na coat. Napatingin ito sa kanya.

"Loveia?"

Natakot si Mia.

*

My Demi-God Fox (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon