Her Poem

1.5K 2 5
                                    

Stella's P.O.V

PAULIT-ULIT kong inulit ang tulang ginawa ko bago ako tuluyang masatisfied.

Activity namin to sa Filipino ito ay walang sukat pero may tugma ayun lang kung itatanong niyo lang. At ang topic naman namin ay kami ang bahala pumili at ang napili ko ay tungkol sa pagkakaibigan.

Ayan ang napili ko dahil diyan ko ilalabas ang nararanasan ko at nararamdaman ko ngayon.

MAG-ISA at laging UMIIYAK kapag naaalala si Alexie. Kaklase ko sya ngayon pang 2 years na. Pero simula noong July nung lumipat na yung mga kaibigan niya mula sa dati nilang school ay hindi na nya ako pinansin uli.

Hayyy tutulo na ata si TEARS KO huhuhu...

"Okay. Time is up. Tatawagin ko kayo isa-isa at tumula kayo with FEELINGS mas mataas ang marka. Naiintindihan ba?" Tanong ni Ma'am Santos

"Opo." Sagot naman namin.

"Sige simulan natin kay Bb. Torres"

Hala ako kaagad oh my gosh..

Ito na..

"*ehem* Iniwang Kaibigan

Alam kong marami ang matatamaan at masasaktan
Pero sana naman ako ay inyon maintindihan at maunawaan
Kasi ito ay dala lang ng aking nararamdaman
Dahil ako'y isang kaibigang bigla na lamang iniwan at ngayo'y luhaan."

Nagsimula ako at  nakatingin ako sakanya pero sya hindi nakatingin. Nalulungkot ako...sobra.

"Alam kong Mas ako sayo
Mas MATANGKAD at MATALINO
Pero tinuturing kita bilang kaibigan ko
Ikaw ba, tinuturing mo ba ako bilang kaibigan mo?"

Ito ang tanong na gusto ko sanang tanungin sakanya ang kaso ay hindi ko magawa.

Napansing kong sumusulyap na sya at pansing ko na nakasimangot sya sakin.

" Kakapalan ko na mukha ko
Para magkalevel na tayo
Inaamin ko MAGANDA AKO
pero nagpapakababa ako para sayo."

Totoo nagpakababa ako para pakisamahan ka dahil wala kang kaibigan..

Nangingilid na ang mga luha ko pero sinusubukan kong wag itong tumulo.

Pakiramdam ko ay hihikain na ko sa bawat salitang binibitawan ko at sa mga tingin nya at ng mga kasama nya.

"Sabi mo walang iwanan
Ngunit dahil sa pagsunod ng iyong mga kaibigan sa dati mong eskwelahan
Bigla nalang walang pansinan?"

Akala ko sa magbf at gf lang ang walang Forever yun pala pati sa pagkakaibigan meron..

"Pagkakaibigan ba natin ay sadyang walang kwenta?
Para iyong ipagpalit sa iba?
Kapag ba iniwan ka nila?
Babalik ka sakin at sasabihing wala na sila?"

Tama.

"Kung hihingi ka ng paumanhin—"

BLACK OUT...

TO BE CONTINUED

A/N:Hi I know hindi pa ko tapos sa story kong isa kasi ineedit ko pa yun sa notebook.Haha at dahil bored ako  at may pinanghuhugutan ISUSULAT ko to XD.BUKAS YUNG KASUNOD...

P.S: SINO PWEDE MAGING KAIBIGAN DITO??? YEY!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ng Isang Kaibigang NaiwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon