ISLA (THE FINALE)

44 1 0
                                    

Antok na antok na ako, gusto ko na umuwi. Niyaya ko na silang umuwi.

"Benjo, uwi na tayo. Inaantok na ako." sabi ko kay benjo.

"Sige cel. Hahanapin ko lang si carlo at kris bumili kasi ng pagkain." sabi niya.

Maya maya bumalik na sila.

"Tara na guys! May bukas pa naman!" sabi ko.

2am.

Naglalakad na kami pauwi.
Nasa unahan si Iris at Vin.
Sa Gitna AKO at Si Benjo.

Sa likod si Carlo at kris.

Ganyan ang pwesto ng lakad naman. Nakapikit na ako habang naglalakad sa sobrang antok habang si benjo nag paflashlight kung saan saan.

Si Vin at iris medyo malayo ang agwat samin. Habang si kris at carlo nasa likuran lang namin nag uusap.

Maya maya,

May malakas na hangin na umihip.

Nakakakilabot. Napatindig ung balahibo ko sa mga kamag at paa.

Nakarinig kami ng isang malakas na huni ng kung anong hayop.

Waaaaaak waaaaaaak! Waaaaaaaaaaaaak!

Habang patagal ng patagal ay pahina ng pahina.

"Cel, bilisan na natin maglakad mukhang delikado na tayo." sabi ni benjo.

"Ha? Anong ibig mong sabihin." Tanong ko.

"Naririnig mo ba yang tunog na yan? Pahina ng pahina diba? Ibig sabihin palapit satin ang wakwak!" sabi niya na parang kinakabahan na.

Mayamaya ay tila may malaking ibon na dumaan sa uluhan namin buti nalang ay naagapan namin ang pagyuko.

Tumakbo si kris at carlo na takot na takot. Di namin matanaw sila vin at iris kaya tumakbo kami ng tumakbo papunta sa kanila.

Hanggang sa matanaw ko si vin nakaupo ito sa damuhan at si Iris ay nahiga na wala ng malay. Dali dali akong lumapit sa kanilang kinanalagyan.

"anong nangyari kay iris!??? Tanong ko. Nag papanic na kami sa sobrang takot.

"iyong halimaw bigla - ay iyong ibon na tao iyong aswang muntikan siyang dagitin. Buti nalang at hawak ko siya." Nagpapanic na si vin.

"Carlo, Benjo halika kayo tulungan niyo kami ang bigat ni iris buhatin natin! Bilis! Tawag ko sa kanila.

Di ko maexplain pero that time sobrang bigat ni Iris. Hindi namin mabuhat. Parang may nakadagan na higanti ang bigat niya.

Habang ang aswang ay nag aabang sa taas namin na parang isang agila na binabantayan ang kanyang makakain.

May nakita kaming isang bahay na bato. Nakakatakot ang itsura nito at napansin ko din ang gilid nito na may mga puntod.

"Tao po! Tao po. Tulong po. Tulungan niyo po kami . Pleassseee!

"Ahhhhhhhhh! Cel! Iyong aswang papalapit na ditooooo! Sigaw ni Kris.

"TAO PO! PARANG AWA NIYO NA BUKSAN NIYO NA ANG PINTO!" KATOK KO NG MALAKAS SA PINTO!

Nakita ko ang aswang nanlilisik ang mga mata nito. Pulang pula, tao ito na may pak pak at may kunting balahino ang mukha. May pangil at maiitim na labi. Makintab ang katawan na akala mo naligo sa mantika. Naaninag ko ang mukha ng aswang.... Kamukha ng lalaking nakatingin kay iris.

Feeling ko ay nakatayo ang mga buhok sa sobrang takot.

Mayamaya ay binuksan na ng may ari ang bahay nila.

Hiniram nila carlo at benjo ang itak ng may ari ng bahay at ang ilawan nito para humingi ng tulong kila kuya.

Nagpalipas kami ng madaling araw nun.

Nag pa albularyo kami nung nagising si iris.

Nalaman namin na may gusto pala ang aswang sa kanya at balak siyang kunin nito kaya ganun. Nahimatay siya dahil na din sa kapangyarihan ng aswang.

Ikwenento ko ang lalaking misteryoso.

Hindi na kami muling bumalik dun. Sa masaklap na karananasan.

AN
Totoo po ito promise :)

Katakutan Ang KaranasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon