i am daddy's girl

1.5K 6 1
                                    

May mga oras na naiisip ko kung masaya ba kung di kami iniwan ni daddy.. (literal) nung buhay sya at bago sya umuwi kay papa jesus...

Kinder pa lang ako ng marinig ko ang tungkol sa other girl ng daddy ko . Since ang tanging nararamdaman ko ay ang mag pa cute at mag abang sa pasalubong nya ang naisip ng mura kung isip ay ang mahalin at isipin na sya ang pinaka pogi at mabait na daddy.

Grades school ako ng matuklasan ko na kakaiba nga daddy ko sa ibang tatay📷 naramdaman ko ang pagkakaiba ng mga tao . Tulad ng pagmamahal na kusang binibigay na may kahalo lambing at sakripisyo.. At ang pagmamahal na binibigay dahil obligasyon lamang ito. Sa pilitan binibigay..

Bakit nga ba nag aasawa ang tao.. Para ba may makasama sya buhay o eto lang ang tanging dahilan para mapatunayan ng bawat isa ang kanilang pagmamahalan.o eto ay isang obligasyon para matupad ang isang pangako..

Well, naisip ko ah , mahal naman kami ng daddy ko baka meron lang kami pagkukulang na di namin mapunuan sa kanyang katauhan. Mahal nya ako sa ibang paraan.. O kayay napagod na sya sa mga obligasyon na naiiatang sa kanya nung panahon na dapat sya ang naalagaan. Kaya nun kami na ang dapat nyang mahalin naubos na at konti na lang ang natira.

Pero sabi nila ang puso daw madaming lugar para paglagyan ng mga minamahal . In short laging may vacancy.

Kaya dad kung nakikita mo at naririnig mo ako.. Mahal kita anuman magpakailan man ikaw pa din ang no. 1 na tatay"

sa akin. Pinatibay mo ang isip at puso ko para sa pagmamahal .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

i am daddy's girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon