V

153 6 0
                                    

- Cielle point of view - 

Unti unti kong binuksan ung mata ko. Puti..... Puting kisame. 

Tinangnan ko paligid ko. 

Nasa hospital ako.... Bakit? 

Nakita kong naka upo si Dan sa sofa kasama si Taeyang at Daesung. Tumayo agad si Dan nung nakita niya ako miski ba nakayakap sakanya si Daesung. 

"Cielle, okay ka lang?" Panic niyang tanong sakin. 

Tumango ako. "Oo naman. Ano nangyari?" 

"Uh.. Ano... Nahimatay ka pala. Hehe." Sabi niyang hindi makatingin sakin. 

"Dan, ano meron?" 

"H-Ha? Wala!" Tas tumalikod siya at bumalik kela Daesung. Tiningnan ko sila. Nakita kong tumayo si Daesung at lumapit sakin. 

"Cielle-shi, mianhae." Nagbow pa siya ng ulo. 

Naalala ko nanaman. Mas masaya pala nung tulog ako. Hindi ko nararamdaman ung sakit. Huminga ako ng malalim at sinarado ung mata ko. Ayoko na umiyak. Hindi pa ba ako nauubusan ng luha? Hindi kaya un ung reason kung bakit ako nahimatay? Dehydration? 

Nagmulat ako at nakita ko si Daesung nandun parin. 

"Daesungie, okay lang." Tas nginitian ko siya. 

Siguro may reason sila kung bakit hindi nila sinabi sakin. And, bakit ko sila sisisihin? Si Jiyong ang may mali. Siya ang nangloko. Hindi sila. Hindi porket tapos na kami ni Jiyong.. Kailangan ko narin tapusin pagkaka kaibigan namin. 

"No." Tas hiniwakan ni Daesung kamay ko. "I'm really sorry. I have my own reasons and sasabihin ko siya sayo soon pero hindi pa ngayon. Please understand me." 

Ang pinaka ayoko sa lahat eh ung hindi nakangiti si Daesung. Alam niyo kung bakit? 

"Oy, Kang Dae Sung! Ang pangit mo, ngumiti kana!" Sigaw ni Dan. 

Natawa naman ako. "Oo nga." Bulong ko kay Daesung. "Sabi ko naman sayo eh, okay lang." 

Nakita ko narin si Taeyang sa likod ni Daesung. 

"S-Sorry." 

"Best friend ka nga niya." Sabi ko ng sobrang lungkot tas umupo. "Teka, naiihi ako. Hindi ba pwede tanggalin 'tong dextrose? Okay nanaman ako eh." Sabi ko ng nakatingin sa dextrose ko. 

"Tatanggalin narin mamaya yan." Napatingin kami sa pintuan. "Okay ka na?" Sabi ni Yuri na kakapasok lang kasama si Seungri. 

Ngumiti ako at tumango. Bumuntong hininga si Yuri. 

"Oh, tulungan niyo muna mag CR yan." 

Sinarado ko na ung pinto at tiningnan sarili ko sa salamin. 

Wow, naka hospital gown lang pala ako. Never ko inimagine sarili ko magsuot nito. Malakas naman kasi resistensya ko. 

Tiningnan ko mukha ko. 

Hindi ko mapigilan maawa sa sarili ko. 

"Ang tanga mo kasi eh." Bulong ko sa sarili ko habang pinapanuod kong mapuno ng luha mukha ko. "Ang tanga tanga mo." Pinunasan ko luha ko at ngumiti. "Kailangan mo pakita sakanila na kaya mo." Tas tumango ako sa sarili ko. 

Lumabas ako at inalalayan nila ako pahiga uli. 

"Para kayong baliw, akala niyo naman kung ano nangyari sakin."

Ngayon ko lang napansin... Wala si TOP.... At si Jiyong. 

Hah. Sino nga naman ako para puntahan niya? Na hospital lang naman ako. 

Yumuko ako. Ayoko makita nilang naiiyak nanaman ako. Hay nako. Wag ka nga tanga, Francielle. Hindi ka nun mahal kaya ka nga niya niloko diba? 

"Hindi pa ba ako uuwi?" Mahina kong tanong sakanila. 

Nagtinginan si Dan at Yuri na para bang naguusap sila tas lumapit sila pareho sakin.. Lumabas naman agad ung mga lalaki. 

"A-Ano meron? Bat ganyan kayo makatingin?" 

"Cielle, hindi mo ba alam?" Tanong sakin ni Dan. 

"Ung ano? Ano ba yan! Kinakabahan naman ako sainyong dalawa eh. May cancer ba ako o ano?" 

Tumingin sakin si Yuri at Dan seryoso. Nakakagulat kaya yun. Never naging ganto kaseryoso si Dan... Pero mas nakakagulat ung susunod nilang sinabi.... Para bang tumigil bigla tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malungkot... Hindi ko alam... Hindi ko na alam.. 

"Cielle, you're two weeks pregnant." 

Only Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon