ASHRAL

618 27 27
                                    

                                                              ASHRAL

                                         (THE LEGEND OF A DREAM GIRL)

"Carmine!" tawag sakin ni Donna na kaklase ko. "Ang ganda niya no?" humahangang itinuro niya sa akin ang isang wax figure.

"That's Ashral Delopati." Pakilala sa amin ng isang babaeng docent ng LEGEND WOMAN'S MUSEUM 

"Si Ashral Delopati ay kilala bilang prinsesa ng panaginip. Nabuhay siya daan-daang taon na ang nakalilipas."

Ashral Delopati? Bakit ngayon ko lang yata narinig ang pangalan niya? prinsesa pa daw? Ano kaya yun?

Pero isa lang ang masasabi ko sa kanya. She's Drop dead gorgeous. Sobrang ganda niya talaga. Kulay apoy ang mahabang buhok niya. Mapupungay ang mga mata, pointed ang kanyang ilong at kissable lips.

Base iyon sa nakikita kong wax figure niya. Puro wax figure ng mga babae mula sa alamat ang naririto at patok na titigan at kuhanan ng pictures ay etong wax figure ni Ashral.

Kung nabubuhay pa siguro ang babaeng ito ngayon. Malamang na napakarami na nitong haters. Ang perfect niya kasi. Alam niyo naman ngayon ang mga tao. Masyadong bitter at galit sa magaganda.

Nagpatuloy sa pagkukwento ang docent ng museum.

"Daan-daang taon ang nakalilipas. Isang sanggol ang ipinanganak ng isa sa pinakamagandang babae sa baryo ng Alumpan sa bundok ng  Dhalmawit. Pinangalanan nila ng kanyang asawa ang sanggol na iyon bilang si Ashral. Lumaking isang matalino, mabait at napakagandang dalaga ni Ashral. Maraming lalaki ang nahumaling sa kanya. Isa na dyan ang anak ng pinakamayamang pamilya sa baryo nila. Si Farghar."

"Isa itong mayabang at lalaking mapaglaro sa pag-ibig. Kaya kahit anong panunuyo ang gawin nito kay Ashral ay hindi nito makuha ang puso ng dalaga. Dumating ang pista sa baryo ng Alumpan. Naging abala ang lahat, maging ang mga magulang ni Ashral, at sa kasagsagan ng masayang pista. Isang masamang pangyayari ang naganap.  Nawala si Ashral."

"Lumipas ang ilang araw ay hindi parin nakita ang dalaga. Noong una'y ang hinala ng mga magulang niya ay kagagawan ni Farghar ang pagkawala ng kanilang anak. Pero nagkamali sila dahil buong araw lang daw itong nasa kanilang bahay. Hanggang sa nagsimula namang maranasan ng mga binata sa kanilang baryo ang gabi-gabing pananaginip at doon nakikita nila si Ashral na masaya nilang kasama."

"That's creepy!" bulalas ni Donna.

"Pero kabaliktaran sa masasayang panaginip ng maraming binata sa baryo. Tatlong makikisig at gwapong mga binata naman ang nagsasabing sa panaginip nila ay nanghihingi ng tulong si Ashral. Naroon daw ito sa bundok ng Terbwana na katabing bundok ng  Dhalmawit. Mapanganib ang bundok na iyon. Ang lahat ng sinumang mangahas na pumunta doon ay hindi na nakakabalik."

"Ano na ang nangyari?" tanong ko.

Para na kaming mga batang curious na curious sa kwento ni Ashral.

"Nanghingi ng tulong ang mga magulang ni Ashral sa pamilya ni Farghar, upang mahanap ang nawawala nilang anak. Pero hindi sila tinulungan ng mga ito dahil narin sa ginawa nilang pang-aakusa kay Farghar, at dahil narin sa galit ni Farghar kay Ashral sapagkat hindi man lang nito mapaibig ang dalaga."

"Ang sama nila! sana maghirap sila!" galit na sabi ng isa ko pang kaklase na si Abigail.

"Kahit anong pakiusap ang gawin ng mga magulang ni Ashral sa pamilya ni Farghar ay hindi parin sila tinulungan ng mga ito. Kaya naman, nag-presinta na sina Selvin, Layrox at Bulram na sila na ang maghahanap kay Ashral. Silang tatlo ang mga binatang nagsabi na si Ashral nga daw ay napanaginipan nilang nasa bundok ng Terbwana at nanghihingi ng tulong."

ASHRALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon