Matalik na Kaibigan

3.6K 13 9
                                    

Matalik na Kaibigan... 

Siya ung taong handang tumulong

Kahit mali ay susulong.

Basta ba makakapagpasaya

Sa inyong dalawa.

Walang katapusang sigawan

Upang maipamalas ang pagmamahalan

Hanggang katapusan,

Aking matalik na kaibigan.

Sa twing may tampuhan

Lagging nag-iiwasan,

Marahil kapag nagkabanggaan,

Ay agad ring magkakapatawaran.

Kapag ikaw ay nalulungkot

Lagi syang nandyan at naglilikot.

Para mapasaya ang kaibigang dyosa

Sa kabila ng dinadama.

Kaya’t laking pasasalamat ko

At binigyan ako ng kaibigang tulad mo

Na sa kabila ng aking ugali,

Ay nandyan ka parin parati!.. ^___^

Sana hanggang sa huli ay laging magkasama

Kahit aso’t pusa kung ikukumpara.

Sa lahat ng pagsubok tayo’y magtutulungan

at laging manood ng 'walang tulugan'

Kaya’t para sa aking matalik na kaibigan

Maraming salamat sa pagkikipagmabutihan.

Hinding-hindi kita makakalimutan kahit kailan,

Kaibigang ‘Arrienne Jan

 ----------------------------------------

Dedicated sa lahat ng mag-best friends…out there at saka sa aking BFF na c arrienne ^_~  xoxo

pic. namin ni bff sa gilid >>>  

~imabarbiegirll~

Matalik na KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon