[Addie's]
Hi, Ako nga pala si Addie, Adillana A. Buenafe. Simple lang ako. Hindi kami mayaman di gaya ng dalawa kong BFFs. Oo, dalawa sila na bestfriends ko. Hindi lang pang dalawahan ang salitang bestfriend no, kasi kami tatlo. Mayaman silang dalawa, actually magkaibigan ang parents nila. Oo nga pala! Di ko pa pala sila napapakilala. As I've said earlier, tatlo kami. Ako, si Keanna, at si Zedrick. You can call them Kea and Zed.
Balik tayo sakin ha? ^__^
Sabi ko nga, hindi kami mayaman pero di din naman mahirap na mahirap. Tama lang para saming apat, ay! Tatlo na lang pala. Bakit? May Ate ako, si Ate Alora. Kaso wala na siya ngayon. Masyado kasi siyang nasaktan sa nangyari sa kanila nung boyfriend niya. Nabuntis kasi siya nung boyfriend niya, pero nung sinabi na niya, hindi pinanagutan! Kaya ayun, nagkulong na lagi sa kwarto si Ate. Ni hindi nakain, kaya naman isang araw, naagasan siya. Oo naagasan siya kasi.. naglaslas siya. Mahina ang loob ng ate ko kasi that time. Di kinaya kaya nagawa yun. Nasugod naman agad siya sa hospital.
Naaalala ko, 17 years old palang ako nun.
"Ate kain ka na, buksan mo itong pinto.." walang nasagot sakin. Di siya nakibo. Kaya nangulit ako..
"Ate, buksan mo to. Kain na.. Ate! Ate! Kailangan mo kumain baka makasama sa baby mo! Kukunin ko na yung susi ha, bubuksan ko to sa ayaw at gusto mo!" pero nagulat lang ako..
"Ate? Ate!!! Ma! Pa! Si ate! Ate gising anong ginawa mo! Bakit mo naman sinasaktan sarili mo! Yung baby! Ma!! Pa!!.." naglaslas na siya, naagasan na din siya. Hinang hina siya. Ang sakit.. ang sakit sa pakiramdam na makita ang mahal mo sa buhay na nasasaktan, nahihirapan at nagdudusa. Saka upo lang siya sa sahig habang may tumutulong mga luha sa mata niya.
Sinugod na siya sa hospital. Kinakausap ko siya habang tinatakbo siya papunta sa Emergency Room..
"Ate.. wag ka susuko ha??Gumising ka lang wag kang pipikit ha?? Paano nalang yung pangako mo nung mga bata pa tayo?? Paano na yun? Di ba gusto mo pang pumunta sa kasal ko kasama ng pamilya mo? Yung baby mo, pamilya mo din siya.. Ate.. bakit kasi *sob*"
Pero hanggang dun nalang ako, kami nila mama at papa.
Pagkatapos ng 5 oras na paghihintay..
ayoko..
ayoko marinig o maniwala manlang...
ayoko!
Pumunta nalang ako sa chapel sa loob ng ospital. Nagdadasal ako na sana hindi totoo ang mga sasabihin ng dokor. Hindi pwede!
Naiyak ako sa loob ng chapel habang nakaluhod at nagdadasal ng biglang.. may nag-abot sakin ng panyo..
"miss eto panyo oh, hindi bagay sayo ang naiyak, maganda ka pa naman baka pumangit ka sige."
"Sino ka naman? S-salamat pala sa panyo.."
"Ako? Ako si Zedrick, Zed nalang kasi kaibigan na kita, right?"
"K-kaibigan? Ako?"
"Yup! I think nakita na kita.. sa school! Tama! Classmate kita sa isang subject. Ano palang name mo?"
"Addie, Adillana."
"Ahhh, nice meeting yung Addie. Una na ko ha? see you next time pero dapat di ka na naiyak okay? Bakit ka pala nai--"
"Wala na ate ko"
BINABASA MO ANG
Painful One (On Hold)
Teen FictionPain. Simpleng salita. Mabigat sa damdamin. Nakakasakit. Nakamamatay. Lalo na kung sa mga taong malalapit at espesyal sa buhay mo ang nakasugat sa puso mo. Kakayanin mo kaya? Or you will just simply give up?