KAPILTULO 2

463 3 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw at lampas sa dalawampung oras pa ang biyahe papunta sa kanilang destinasyon.

Madadaanan ng bus ang mga nagtatayugang gusali sa Maynila. Naroroon din ang polusyon sa hangin, mga bangketang makakalat at paminsan-minsang pagtirik ng tren sa mahabang lansangan. Sa sobrang pagkabagot ay binuksan ng kundoktor ang telebisyon upang manuod ng palabas habang ang iba naman ay napili na lamang ipikit ang mga mata upang makapagpahinga kahit papaano. Tamang tama rin ang 'Pinoy Henyo' na pinahuhulaan sa tv sa pupuntahan ng mga taong ito pagdating sa port ng Batangas... ang Cebu.



Ang matandang babae... nangungulubot na rin ang balat at natutuyuan dahil sa paulit-ulit na pagbilad sa araw sa pamamalimos sa daan. Ang hangin na tumatagos sa bintana ay nagpapapresko sa matanda habang nakatingin sa mga nadadaanan ng bus. Tahimik na nakikinig at nanunuod sa telebisyon ang katabi nitong lalaki hanggang sa maisipan niyang isandal ng maayos ang katawan sa silya.




Marami ang bulaklak... mababango ang paligid at kaniyang nilalaro ang mga paru-paro sa buong hasyenda. Pilit na tinatawag siya ng kanyang ina... tinatawag... oo tinatawag... sa malayo... oo... malayung malayo. Nang maaninag ang papalapit na ina, agad niya itong aakapin ng mahigpit at isasandal ang ulo sa dibdib ng ina. Pagkatanggal ng kanyang yakap ay makikita niya sa kanan ang kanyang ama... tumatawag... oo tumatawag... sa malayo... oo... malayung malayo. Nang maaninag ang papalapit na ama, lalapit ang babae at aakapin sana ang ama ng biglang may humugot sa likuran ng ama at pinosasan ito. Mga pulis! Maraming maraming pulis. Naroroon din ang kanyang mga lalaking kapatid na umiiyak hanggang sa bumagsak ang ina sa lupa. Takot na takot ang lahat. Tumawag ng ambulansiya ang buong kinatawan ng hasyenda hanggang buhatin ng panganay na kuya ang ina. Mapapaluhod ang babae at hahagulgol ng malakas. Hagulgol na sobrang lakas! Yuyuko ito hanggang may tumapik sa kanyang likuran. Nakakabighani ang kaniyang itsura. Isang lalaki na kaniyang sobrang minamahal... isang lalaking napakakisig... ang lalaking nangongolekta ng mga bultu-bultong prutas sa kanilang taniman na kaniya ring sinisilipan kung ito ay maliligo sa ilog. Binuhat siya ng lalaki at hinawi ang mga natuyong luha sa kaniyang pisngi. Ngingiti ang lalaki sa kaniya at dahan-dahang ilalapit ang labi nito sa kaniya ring labi. Walang anu-ano'y mapapapikit ang babae at dadamhin ang hininga ng lalaking katapat niya. Muli nitong imumulat ang mga mata hanggang sa magdilim ang paligid at makita nang malapitan ang lalaking kaharap niya. Masusuklam ang babae sa lalaki at aambahan ng sampal ang malapit na hahalik sa kanya.


"Walang hiya ka!!! Taksil! Kriminal! Abusado ka Troy!!!", sambit ng matandang babaeng dating eredera ng Nueva Vizcaya

"Ha?! Teka... teka... Cassie!", banggit ng lalaking katabi ng matanda sa upuan pagkatapos maimulat ang mata mula sa pagkakatulog. Magtataka rin ang ibang pasahero ng bus habang hawak hawak pa rin ang dalawang kamay nito ng lalaki.

"Ah....", pagtataka ng matanda pagkatapos mahimasmasan at maging kalmado. Babalik sa normal ang lahat na maiipit sa stoplight dahil sa isang banggaan sa kalye.

"Pagpasensiyahan mo na ako, Dado!", sambit ng matandang si Cassie

"Ay! Ayos lang gani! Nahadlok ako... akala ko papatay ka na ng tao kanina!", sambit ni Dado

"Pasensiya na ulit... may... may naalala lang ako"

"Si Troy? Yun ba yung naging asawa mo?"

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon