OO NA NGA ANG KULIT!!!

339 14 8
                                    

"Paabot nga to kay Justin. Pag yan binasa mo pektus ka sakin!" sabaya abot ko ng papel sa katabi ko.

Sumulat ako kay Justin, ang aking my one and only. Hihi. 

Yung sulat sa papel. Sabi ko 'Uy sabay tayo paguwi pwede?' Hihi. Kinikilig nga ako habang sinusulat ko yon e. Pangit ba, kasi ako yung first move kesa siya?

Wala e, wala naman siyang ginagawa. Kesa sa magintay ako ako nalang gagawa. O diba.

Tumingin naman ako kay Justin, nakita kong binabasa na niya yung sulat ko, nakakunot yung noo niya. 

Pero ang gwapo pa din niya. Haaaaaaay. Di talaga ako titigil hanggat hindi kita napapaamin!! Bwahaha.

Ayokong tumigil sa pag kulit sa kanya. You know why? Narinig ko kasi na may gusto daw sakin si Justin. Hihi, ako naman eto kinikilig. Narinig ko yun sa mga classmates kong echuserang chismosang frog.

Kahit naman siguro chismis may pag asang maging totoo. Kapag tinatanong naman nila si Justin, dedma lang sila. Minsan nalulungkot ako, per hindi ako tumitigil.

Hindi na bumalik sakin yung papel. Hayy.

It's time to go home!! Inayos ko na yung gamit ko at tumayo. 

Nakita ko naman si Justin na papalabas na din ng room, sinundan ko siya.

Kasi sabya kami, hihi. Kahit di siya pumayag.

"Hi Justin! Sabay tayo ha?" sabi ko ng makasabay ako sa kanya papalakad. Pababa pa lang kami sa hagdan.

"Tss. Ano pa nga ba?" pabulong niyang sabi pero narinig ko. Kakalinis ko lang kasi ng tenga.

"Nga pala, bakit di mo nireplyan yung sulat ko sayo kanina?" sabi ko at tumigil naman siya sa paglalakad. Nandito palang kami sa may gym. May nagpapraktis pala. Bat siya tumigil?

"Alex, bat ba ang kulit mo? Di ko na nga nirereplyan yun e. Bat patuloy mo pa din akong kinukulit? Ano bang gusto mong malaman?" sabi naman niya na nakakunot ang noo.'

Don;t do that again, na f-fall ako lalo e.

"Hindi pa ba halata? I like you, ay hindi i love you. Ay hindi, baka like palang to, ay? Baka love n--"

"Ano ba talaga?!-"

"Fine. I love you na I like you! Kaya ko yun ginagawa hanggang ngayon." medyo napalakas yung boses namin kaya naman napatingin yung iba samin.

Bigla naman akong hinila ni Justin sa school garden. Anong problema nito?

"Dahil ba to sa sinasabi ng kaklase natin?"

"Oo na hindi. Feeling ko kasi crush mo na ko. baka nga love mo na ko e. Ayaw mo lang umamin. Ano?! Totoo noh, namumula ka diyan" bigla naman kasi siyang namula. 

Tama ang nabasa niyo, hindi lang dahil sa mga kaklase namin narinig na may gusto siya sakin kundi sa mismong bibig niya.

"Ang kapal din ng mukha mo e noh? Diyan ka na nga!" sabay lakad niya palabas ng school. Hinabol ko naman siya, sabay kami e bakit ba.

"Bakit ka uuwi na? Totoo siguro yun noh? Yieee. Crush niya kooo!~" habang sinusundot ko yung tagiliran niya. Malakas kiliti niya dun e.

"Tigilan mo nga ako! Kung ano ano na naman sinasabi mo."

"Kung ano ano daw. Crush mo lang ako e, Ano ha? Namula ka nga kanina e. Wahaha. Sabi na, tignan mo di ka na umiimik! Sabi na. Crush mo na nga ako. Ay hinde! Baka nga love mo na nga--"

Buti nalang iniinis ko siya. Buti nalang sinusundot ko yung tagiliran niya.

"OO NA NGA ANG KULIT!!!"

Dahil kung hindi ko siya kinuit. Hindi ko siya mapapaamin.

Feeling ko maiiyak ako. Haha, drama naman. Wala e, mahal ko na. At ngayon alam kong gusto niya din ako.

Napatigil na kami sa paglalakad. 

"Ang kulit kulit kulit mo kasi. Di ko na matiis yang kakulitan mo. Alam ko namang narinig mo yung sinabi ko sa may locker e, alam kong nandun ka. *bigla niya kong niyakap* Kaya di ka na tumigil. Wag ka nang umiyak uy, haha. Eto na nga oh. Umamin na talaga akong gusto kita. Ay mali,

MAHAL PALA KITA. Nang dahil yan sa kakulitan mo. Mahal kita" 

---------

HAHAHA. Dapat Papahabain ko to e. Kaso eto nalang. HAHAHA. Sana nagustuhan niyo.

Xoxo :))))))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OO NA NGA ANG KULIT!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon