Hanggang Dito Nalang (One-Shot)

64 12 6
                                    

(Play Hanggang Dito Nalang ni Jimmy Bondoc. Happy reading!)

----

Nakaupo lang ako dito sa isang bench sa park.

Pinagmamasdan siya.

Ang unang babaeng minahal ko ng sobra.

Ewan ko nga eh. Mahal ko lang siguro talaga siya.

It's been 2 years since the day she left me. Pumunta sya ng ibang bansa habang ako hinihintay sya sa pagbabalik nya pero ano? Hanggang ngayon kasi hinihintay ko parin yung reason nya. Hinintay ko parin yung sasabihin nyang 'Di yun totoo.' O kaya 'joke lang yun'.
Parang sinasaksak yung puso ko ng paulit-ulit. *Sigh*

Ginawa ko naman lahat para sakanya. Di pa ba sapat yun? Mahal na mahal ko siya eh. Mahal na mahal tapos gaganituhin nya ako?

Pesteng luha 'to oh. Ang sarap lang kasing balikan yung mga alaala namin na kahit kelan di na mangyayari ulit...

Yung lagi naming pinupuntahan tuwing nagka-cut kami ng klase. Hindi kami pumupunta sa mall, tulad ng mga ibang couples.

Dito.. Dito kami pumupunta. Dito kami tumatambay. Sa park na 'to. Sa bench na 'to.

Lagi ko pa siyang nililibre ng ice cream. Lagi ko rin siyang kinakantahan ng mga paborito nyang kanta tuwing nandito kami.

Nakakamiss yung times na tinuturuan ko pa siyang mag-gitara. Ang hirap nyang turuan pero hindi ako sumuko para matuto siya.

"Ang cuuuuutee mo talaga pag naaasar." sinabi ko yan sakanya habang pinipisil yung pisngi nya.

"Eeeh! Tumigil ka nga. Basta matututo din ako nito. Humanda ka sakin, pag natuto ako nito ikaw din haharanahin ko. Ayos ba?" buong pagmamalaking sabi nya sa akin.

"Suus! Tignan lang natin."

"Meow!"

"Waah!" nagulat siya nung may tumalon na pusa sa gitna namin.

Ang cute nya talaga.

"Hahaha!" sabay na lang kaming natawa nun.

Ngayon nga pala sana yung 6th Anniversary namin, kung kami pa. Pero hindi na eh. Dalawang taon na ang nakalipas at siguro naka-move on na siya.

Ako, eto, napag-iwanan. Hindi parin kasi ako nakaka-moveon. Ang hirap eh. Ang hirap gawin.

Nakita kong nagyakapan sila nung lalake. At tumulo ulit yung luha ko na kahit pigilan ko, eh, hindi ko magawa kasi ang sakit lang.

Ewan ko ba. Masokista na ba ako?

Masaya akong nakikita sya ngayon after 2 years na hindi ko siya nakita, pero yung tanginang luha ko ayaw tumigil dahil sa nakikita ko silang magkasama? Magkayakap? Nakikita kong masaya siya sa piling nung lalakeng yan?

Kakabalik lang daw nila last week dito sa Pilipinas, sabi ng pinsan nya na si Bianca.

Mula kasi ng mag-migrate ang family nila sa ibang bansa. Wala na kong naging balita sa kanya. Nakipagkita siya sakin before she left. And reminiscing this scene makes me fuckin' cry.

*FLASHBACK*

Nakahiga ako ngayon sa kama ko kasi walang pasok. Ano ba yan. Namimiss ko na si Kate, ang girlfriend ko.

*Hoy! May message ka!*

Napangiti na lang ako nung marinig ko yung ringtone ng cellphone ko kapag may message. Ang cute lang eh. Para daw pag may nag-text, boses nya yung maririnig ko. Meron din ako nyan sa cellphone nya. Parang mga tanga lang eh no?

Hanggang Dito Nalang (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon