Letters From: The Past

9 0 0
                                    

Pagod na pagod at inaantok nyang binuksan ang gate ng kanyang apartment. Gabi na syang umuwi galing eskwela. Nagipon ang butil ng pawis sa noo, basang kwelyo. Nang makapasok sya sa loob ng bahay ay unang bumungad sa kanya ay isang maliit na tahol mula sa isang pamilyar na puting aso sa kanyang sofa. "Samoyed...." Nasabi nya na tila hindi sya makapaniwala na may ganitong klase ng aso sa kanyang harap.
Nilapitan nya ito at nilaro laro. Napansin nya ang dog tag sa leeg nito na ang sabi ay Akira.
"Akira..Sino naman ang nagpadala sayo dito?" Sino nga ba? Iniwan nyang nakalock ang bahay kaya nagtataka sya kung pano nakapasok ito.
Tila bang parang naintindihan ng aso ito at biglang naglakad patungong kusina at parang sinasabi nyang sundan nya ito. Nang sundan nya ay nakita nya ang isang pulang kahon. Pulang kasing pula ng dugo o rosas. Nang kunin nya iyon ay tinanggal nya ang takip ng kahon at kinuha ang sobreng naiiba ang kulay at ang nasa unahan. Binuklat nya ito at nakakita ng papel na may sulat at binasa nya ang nakasulat dito.

Diego,

By the time you're reading this, I already became your 'Past'. Don't try to rip, burn or throw these away because there's no point of doing that. You can't escape. I started writing these letters when it started. That dog there is Akira. I hope you remember her. Please do take care of her. She's yours now. And by the way, I suggest that you read one of these letters every day. Your choice.
x P x

Nang matapos basahin ay napaisip sya kung sino si P. Inobserba nya uli ang letter pati ang pagkakasulat..
"P.." at bigla syang nanigas sa kinatatayuan nya at parang nabuhusan sya ng nagyeyelong tubig.

Letters From: The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon