FLAGPOLE

60 0 0
                                    

Ako si Gemma 17 years old. Nag aaral ako sa isang paaralan hindi naman masyadong kilala. Pero maraming kwento ng kababalaghan.

Isang Umaga nag lilinis kami ng classroom namin ng biglang tumunog ang bell hudyat ito na mag sisimula na ang ceremonya ng Flag ceremony.

"Uy GEMMA! Tama na yang pagwawalis mo dyan punta na tayo sa school ground." sabi sa akin ni Bell bestfriend at classmate ko.

"Sige susunod na ako! Ibabalik ko lang tong walis."sagot ko naman.

Umalis na si Bell kasama pa ang iba namin kaklase. Inayos ko muna ang lalagyan ng mga walis at dustpan.

Paglabas ko ng Classroom ay nagtaka ako dahil ang ibang studyante ay pabalik na.

"Bakit parang ang bilis ng Flag ceremony." sabi ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa may ground ng school kung saan nagaganap ang Flag ceremony namin. Nakita ko si Bell na kausap iyong advicer namin sa isang room. Lumapit ako sa kanila.

" Goodmorning po maam. Bakit po ang bilis ata ng Flag ceremony?" tanong ko sa aking guro.

"Hindi pa nga nagsisimula gemma. Nawawala kasi ang Flag hindi makita." sagot naman ni maam.

Bigla akong napatingin sa kinalalagyan ng Flag pole.
Nagtataka ako kung bakit sinasabi nila na nawawala ang Flag,

Dahil hindi naman ito nawawala.. HAWAK ITO NG DALAWANG ESTUDYANTE NAKATAYO SA GILID NG FLAGPOLE.

Bigla akong tinapik ni bell. Napatingin ako sa kanya.

"Uy Gem! Ano tinitigan no dyan!" sabi ni bell sakin.

"Ah eh.. Wala!" Nginitian ko siya.

Paglingon ko ulit sa Flagpole ay Nawala na ang dalawang batang nakauniporme at may hawak na flag. Saan kaya sila nag punta?

Ilang sandali ay Inanunsyo na nahanap na ang Flag at tuloy ang Flag ceremony.
Pero ng araw na yun hindi mawala ang itsura ng dalawang estudyante na nasa Flagpole. Pamilyar ang mukha ng isang estudyante.

Naalala ko na ng nakakaraan linggo pala may namatay sa isang Banggaan sa may bayan, isang tricycle nng nabangga ng isang Bus at lahat ng nakasakay ay namatay kabilang ang isang estudyante ng school namin.

Nalaman ko din makalipas ang ilang araw na hindi lang pala ako iyong nakakita sa dalawang Estudyante sa flagpole pati si manong gaurd at isang guro.

Nalaman ko din na Inukit ng estudyanteng namatay ang pangalan niya sa kagagawa lamang na Flagpole namin.

Sinabi niya sa mga kaibigan nito na kapag namatay siya at mamiss nila ito ay puntahan lamang ang Flagpole dahil nakaukit dito ang kanyang pangalan..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Katakutan Ang KaranasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon