"Ikaw? Ikaw ba yung lalaking nagsend ng letter kay Lloyd?" Tanong ko sa kaniya.
Inipon ko lahat ng kapal ng mukha na itinatago ko. Ayoko kasing mapahiya kung hindi man siya. Pero kasi, dahil sa ang weird niya sa akin nitong mga nakaraan, feeling ko siya nga itong Carlo na ito.
"Ikaw ba yung Carlo na tinutukoy niya dito?" Di niya ako nililingon at focus pa din siya sa pag d-drive.
"Alie. Uh, I don't know how to tell you. But. Yes, it's me. Are you upset?" Nilingon niya ako saglit. "Wala akong lakas ng loob para mag confess ng nararamdaman ko sayo. Kaya naisipan kong magpatulong," dagdag pa niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa. There was a silence, isang nakakayanig na katahimikan. Di kasi ako makapaniwala na siya yon. Nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko na patingin-tingin siya sa akin then back to the road. Gusto ko sanang sabihin na mind his driving pero, parang di ata akma sa vibes na meron ngayon sa sasakyan.
"Don't worry Alie, di ako nag eexpect ng sagot from you! I know nakakagulat yon para sayo. But now that you know, c-can I, can I court you?" He said, huminto ang sasakyan at di namalayang nasa resto na pala kami.
"I...uh..."
"It's okay. Pag-isipan mo muna, tsaka mo na lang sabihin sa akin. Sige na, I won't keep you for too long. For sure gutom ka na. Good night!" Aniya.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba na sa kotse niya. Inantay ko muna siyang makaalis bago pumasok. Di ko talaga ineexpect yon, lalo na, it was Carlo. I don't have any issues with him, it's just, Carlo was one of the popular guys at our University, and sino lang naman ba ako para magustuhan niya?
Pagkapasok ko ng restaurant nila Lacey, parang nawala yung gutom ko. Ang daming nangyari ngayong gabi. Una, nalaman kong ako nga talaga yung babae na nasa picture. Second, hindi pala siya yung may gusto sa babae sa picture. Lastly, hindi niya ako gusto. At isa lang naman ang tinutukoy ko. Si Lloyd. At this point, I can finally admit to myself that I really like him.
"Alie, OMG. Sa wakas at nakarating ka din. Pinainit ko na yung mga foods kasi lumamig na sa tagal mo. Pano ka nga pala nakarating dito. Kaka-text lang ni Levi..." sa dami ng sinabi ng best friend ko ay wala akong maintindihan. Andito yung presensiya ko pero wala yung utak ko dito mismo. Pati ata yung puso ko, di ko na maramdaman. Hello, you there?
Ngumiti lang ako sa lahat ng sinabi ni Lacey at umupo na.
"Huy! I was asking you, how you get here?" tanong ni Lacey.
"Huh?"
Mejo napaatras at napakunot ang noo ni Lacey sa sagot ko. "Ay nako, gutom ka na no? Malapit na don't worry. Wait nga puntahan ko, gutom na din talaga ako eh."
Kami na lang ni Jerome ang naiwan sa table and for sure alam niya na there is something wrong.
"Care to tell me what's wrong?" tanong niya sakin. Sabi sainyo eh, alam niya.
"Wala pagod lang siguro ako. Tsaka inaantok na din." pagsisinungaling ko.
"Alie, I know you." He said. I was about to cry pero pinigilan ko. Kasi bakit nga naman ako iiyak? So nagkunwari na lang ako na humikab at kunwari yung luha ay from my hikab. Sakto namang dumating si Lacey at yung waiter na dala-dala yung dinner namin. Tinignan ko lang siya and I know na alam niyang ayoko munang pag-usapan kung ano man yun.
Lumipas ang ilang mga araw na pinipilit kong maging okay. Ganon pala kasakit malaman na hindi ka crush ng crush mo? Pero dahil mag e-exam week na, kailangan kong mag-aral at kalimutan muna si Lloyd. So ginawa ko na lang divertion yung pag-aaral para di ko na siya maalala. Nagpakasubsob ako sa pag-aaral. Ganito pala pag brokenhearted?

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...