[ c h a p t e r s i x t e e n ]Nakasunod lang ako kay Aya habang tinatahak namin ang isang daanan na unting-unting nagiging pamilyar sa paningin ko. Pakiramdam ko ay nakapunta na ako sa lugar na ito—at nakumpirma ko 'yon nang tumigil siya bigla at sumigaw. "Welcome back to our childhood!" She says with a huge grin on her face as she stands on top of a big rock overlooking a beach—our favorite beach.
Hindi ko napigilan ang ngiti ko habang tinatanaw ang lugar na sobrang tagal ko nang hindi nakikita. Hindi na ako nananaginip o nagha-hallucinate. Nandito na talaga ako sa beach na naging malaking parte ng childhood ko. Now I feel like I went back to the 11-year old me na ang alam lang gawin sa buhay ay manguha ng mga seashells at makipaglaro sa kanyang best friend. I was still admiring the never-changing picturesque beach when I felt Aya's hand touched mine. "What, are you just gonna stand there all day? Let's go!" Hinila niya ako at sabay kaming tumakbo papunta sa beach na parang mga batang ngayon lang nakakita ng dagat at buhangin.
Walang katao-tao ang lugar maliban lamang sa'ming dalawa kaya naman tahimik at payapa. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman hindi ko mapigilan na mapapikit at damahin ito sa balat ko.
God. I missed this place.
"This place never changed." Narinig kong bulong ni Aya habang tinatabihan ako. She started pointing out the things that made this place special—katulad ng lighthouse na palaging nagsisilbing ilaw tuwing gabi, 'yung mga maliliit na bangka sa kabilang dulo, 'yung malaking bato na palagi namin pinagtataguan sa tuwing hinahanap siya ng tatay niya at ayaw niya pang umuwi, at 'yung mga seashells sa buhangin na hindi maubos-ubos kahit na halos napuno na namin ang limang glass jar nito.
She's right. This place never changed. Kahit na maraming nangyari sa'ming dalawa at dumating sa point na halos masira na nang tuluyan ang pagkakaibigan namin, itong lugar na nag-konekta sa'ming dalawa ay hindi pa rin nagbabago—hindi pa rin nasisira.
I guess that's how it is—it's the people that drift away from each other and not the connection.
Naghubad kami ng tsinelas para ibabad ang mga paa namin sa tubig. Medyo malakas ang alon kaya naman minsan ay tumatama ito sa tuhod namin. Matagal-tagal kaming nagmuni-muni. May bigla akong naalala na palagi namin ginagawa dito kaya naman napatingin ako kay Aya na nakatingin na rin pala sa'kin. Hindi ko alam kung parehas kami ng iniisip, pero unti-unting kumurba ang isang ngisi sa kanyang mukha kaya naman na-kumpirma ko 'yon. "Mahuli, pangit." At bigla siyang tumakbo kaya agad rin akong sumunod at hinabol siya, hindi alintana ang buhangin na dumidikit sa talampakan ko.
Tawa lang kami nang tawa habang nag-uunahan papunta sa kabilang side ng beach. Minsan ay nagdadayaan pa kami at hinihila ang isa para mauna ang sarili. Pero sa huli ay sumuko kami sa pag-uunahan at sabay nalang na naglakad habang tumatawa. "Wahh! Ang dami pa rin nila!" Masayang sigaw ni Aya habang tinititigan ang mga nagkalat na seashells sa buhangin. "Look, Denden!" Tumingin siya sa'kin at pinakita ang isang malaking seashell na nahanap niya.
Napangiti na lamang ako habang sinasamahan siyang lumuhod sa buhangin at manguha ng mga magagandang seashells. Pakiramdam ko naging bata ulit kami. Biglang nawala 'yung Aya na nakita ko nitong mga nakalipas na linggo at bumalik ang Aya na childhood best friend ko—ang Aya na masaya kahit sa pinakamaliit na bagay at palaging malaki ang ngiti sa mukha. "Paramihan ng makukuha!" Saad niya at ginamit ang suot niyang damit para gawing lalagyanan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]
Novela Juvenil[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒: 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 « This novel is under c...