[ CHAPTER 36 ]"Grabe talaga init dito sa Pilipinas!" Reklamo ni Khalil nang makalabas kami ng airport. Napatanggal agad siya sa coat na suot pero hindi pa din 'yon sapat dahil nakasuot siya ng long sleeves sa loob. "Pwede ba akong maghubad dito?"
"Sige. Gawin mo at iiwan kita dito sa airport." Walang-emosyon kong saad habang naglalakad patungo sa pila ng airport taxi habang siya ay nakasunod sa'kin.
Parehas kaming nakasuot ng long-sleeves sa loob ng coat namin pero di tulad niya, sanay na ako sa mainit na panahon ng Pilipinas kaya kahit pagpawisan ng todo-todo ay okay lang sa'kin. Walang pamilya dito si Khalil at dahil biglaan ang pagpunta niya dito at hindi niya nagawang makapag-book ng hotel, pumayag ako na sa bahay muna siya makituloy. Madami naman kaming guest room. Kahit saan doon pwede siyang matulog.
Parehas namin napagpasyahan na magpunta sa Batangas—kung saan kami unang tumira nila Aya. Pero dumiretso muna kami sa bahay para ibaba ang mga maletang dala namin tapos ay nagpahatid kami sa driver papunta doon. Medyo matagal ang byahe at dahil puyat kaming dalawa ay pareho kaming nakatulog sa loob ng sasakyan. Nagising lang ako nang may kumakalabit sa'kin habang tinatawag ang pangalan ko. It was Khalil, who looked like he just woke up as well. Nang tumingin ako sa labas ng bintana ay nasa harap na namin ang dating bahay na tinirhan namin dati nila Daddy. Mula dito ay ilang lakad lang ang beach at ang inn na tinuluyan namin ni Aya.
"So, you lived here?" Tanong ni Khalil habang tinititigan ang kabuuan ng bahay.
I stare at it too, feeling all the memories coming back to me. "Yeah," Naglakad ako papasok at narinig ko ang yabag ng mga paa niyang sumusunod sa'kin.
Halos masira na ang pintuan sa sobrang luma nang buksan ko ito. Puno ng alikabok ang loob ng bahay at marurupok na din ang mga pader. Ilang taon na ang nakalipas simula nang huli kong makita ang bahay na 'to. Naalala ko si Aya na nakikipag-habulan sa'kin pababa ng paikot naming hagdan at parehas kaming pagagalitan ni Mommy dahil palaging may isang nadadapa sa'min. Naalala ko 'yung mga times na makikitulog sa'min si Aya at sasama si Mommy sa sleep-over kaya naman kukuha kami ng napakadaming unan sa mga guest room at ilalagay ito sa malaking tent na tinayo namin sa living room tapos ay magpupuyat kami sa kaka-kwentuhan at paglalagay ng nail polish sa isa't-isa. Umakyat ako sa dati kong kwarto at agad kong naalala ang mga oras na umaakyat si Aya sa puno para lang makapasok ng kwarto ko. Nakakamiss. Kung pwede lang bumalik sa mga oras na 'yon.
Hindi ako nagtagal sa kwarto dahil pakiramdam ko ay maiiyak nanaman ako at wala akong balak umiyak sa harap ni Khalil. Inikot ko lang ang bahay para maghanap ng kahit na anong gamit na mapapakinabangan pa. I'm not really looking for clues or anything. It's not like mag-iiwan si Aya ng clue dito sa lumang bahay namin.
There's nothing much inside. Puro mga lumang furniture lang ang naiwan dito. Mukhang kinuha talaga ni Daddy ang lahat nang lumipat kami.
~*~
"Ilang taon nga ulit kayo magkaibigan ni Aya?" Tanong ni Khalil habang naglalakad kami sa kahabaan ng subdivision.
"Hindi ko na maalala." I said for the third time. Malay ko ba kung hindi makaintindi ang isang 'to o sadyang bungol lang talaga siya. Kanina niya pa tinatanong sa'kin 'yan—simula pa nung nasa eroplano palang kami.
"Bakit hindi mo alam?" Tanong niya ulit.
Seriously. "I don't know. Okay? Basta ang alam ko lang ay magkasama na kami simula bata pa at nagkahiwalay lang kami nung umalis sila."—dahil sa tatay ni Aya.
BINABASA MO ANG
Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]
ספרות נוער[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔𝐒: 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘭𝘦𝘵𝘦𝘥 𝘣𝘶𝘵 𝘤𝘶𝘳𝘳𝘦𝘯𝘵𝘭𝘺 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘳𝘦𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 « This novel is under c...