1

123 10 0
                                    

Twists and Turns

1

"Congratulations Avery. You are a candidate for valedictorian this year."

"Thank you sir." buo sa loob na pasasalamat ko kay Mr. Reyes. He's my adviser.

Lumabas na sya ng classroom samantalang pinagpatuloy ko lang ang pagbubutingting sa bag ko. Asan na ba iyon?! Arg! "Ri! Congratz! Ikaw na naman ang first honor! Siguradong ikaw na ang valedictorian this year!" napaangat naman ang ulo ko sa bati sa akin ni Mae. Nakapag ayos na sya ng gamit at handa na din umuwi.

"Salamat." sabi ko nalang. Hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy lang ang paghahanap sa nawawalang P20 ko. Badtrip naman kasi! Kung kelan pa walang susundo sa akin, saka naman ako naubusan ng pamasahe! Swerte ko naman! (note sarcasm)

Wala kasi si Kuya Stan ngayon dahil may fieldtrip daw sila sa Samal Island. Ang swerte ng tsonggong iyon. Palibhasa, tourism yung course nya tsaka madami din syang napagkukunan ng pera. Ikaw ba naman mag model. Tss. Gandang lalaki talaga ng kuya ko.

"Absorbed ka ata masyado sa hinahanap mo ah." pansin pa nya. Akala ko umalis na sya. Hindi ako umimik. Nakaka badtrip na bente ‘yon kung asan man iyon. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Tsk! Ang gulo mo! Umalis ka na nga!" sabi ko tska nilabas lahat ng mga notebooks ko pati books at isa isang binuklat ang mga iyon. Nasaan ka na ba bente?! Magpakita ka na please! Ayokong maglakad pauwi! Tot

"Wow te? PMS lang? Sungit mo! Hmp! Bhala ka na nga dyan!" narinig kong maktol ni Mae at nagmartsa na palayo.

"Parang bata lang? Haha!" natatawa tawang pahabol ko.

"Whatever freak!" at tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Napapailing na ipinasak ko ulit ang mga notebo0ks at books ko sa bag. Hinalughog ko ulit ang lahat ng pockets ng bag ko for the nth time. I'm growing impatient. Tumayo ako at sinubukan ulit kapkapin ang bulsa ng palda ko. Empty. It makes me wonder, may pera pa ba talaga ako?

Naiinis na inayos ko nalang ang mga gamit ko at naglakad palabas ng classroom. Ako nalang kasi ang naiwan eh. Nagsialisan na ang mga kaklase ko kanina pa nang mag bell hudyat na tapos na ang klase.

Napagdesisyonan kong maglakad nalang. Kesa naman mamuti ang mata ko kakahanap sa pera na hndi naman ata nag eexist.. Diba?

Palabas na sana ako ng classroom nang mapansin kong kalalabas pa lang din ng ibang mga estudyante mula sa kani kanilang mga silid aralan. Ito ang pinaka ayaw ko eh. Iyon bang makipagsiksikan sa daloy ng nagmamadaling mga tao. Hindi naman sa loner ako. Ayoko lang natutulak o nahihipuan kaya tumayo nalang muna ako sa gilid ng pinto at pinanuod ang mga ka schoolmates ko. Hinihintay na humupa ang dami ng mga estudyanteng nagkakagulo sa hallway. Byernes ngayon kaya maagang natapos ang klase.

Napangiti ako nang maalala ang program kaninang umaga. Napanatili ko ang pagiging first honor ko. Dalawang grading period nalang ang pagsisikapan ko at ga graduate na ako sa highschool. Nakakatuwang isipin na sa kakapusan namin, nagawa ko pa ding makapagpatuloy ng pag aaral sa paaralang ito. Parang naririnig ko pa nga ang malungkot na boses ni Mama nung sabihin kong gusto kong dito mag aral ng sekundarya. Hindi kami mayaman. Apat pa kaming magkakapatid, not to mention tatlo sila ang nasa kolehiyo nang mga panahong iyon. Si Papa ay isang police officer. Magkano lang ba ang sweldo nun? Wala din trabaho si Mama. Kaya nga sobra sobra ang pasasalamat ko noon nang mag top ako sa entrance exam. Ibig sabihin kasi noon, libre na ang tuition ko sa buong school year. Nung mag se-second year na ako, doon na ako nanlumo. Hanggang isang taon lang kasi ang tagal ng pagiging full scholar ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang gnawa kong pagmamakaawa sa may ari ng school nung minsang dumalaw sila dito. Grabe talaga iyon. Pero wala naman akong pinagsisisihan eh. Gustong gusto ko kasi talagang mag aral dito. Standard private school kasi tsaka kilala kahit saan mang panig ng mundo ang Fortin Internationals. Marami din kasi silang branches eh. At dito nga ang main campus.

Twists and TurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon