Chapter 11
Mina
Togik to the highest level! Ano bang ginagawa nitong babaeng dragon dito sa department ng mga alipin?! Ang alam ko allergic pumunta sa lungga ng mga peasants ito. Kung kelan naman naligaw ang doppelganger ni Rafael dito. At teka nga pala paano nga ba nakarating itong ancient na 'to dito? 'Wag nyang sabihing naglakad sya ?! Pero mamaya ko na uusisain si ancient, kailangang mailayo ko sya dito.
"ummm.... ummm.... Excuse me ma'am nagmamadali lang talaga kami."
"Why you!!!!...."
Hindi ko na inintay ang sasabihin ni dragona at hinatak ko na si Juaquin papalayo sa kanya. At para hindi nya kami kaagad masundan, ay tinabig ko sya ng ng pwet ko pagdaan namin sa kanya. Mqbuti naman at lamba ang dragon. Konting tabig lang halos dumausdos na sya! Sayang! Hindi ko na sya nakuhanan ng picture. Pag-p-pyestahan yon sa instagram!
Next time, paghahandaan ko sya. Naaalibadbaran talaga ako sa kaangasan ng babaeng iyon! Ang sarap tadyakan sa mukha!
Pagdating namin sa mga elevator, lahat ng mga pinto ay nakasara at matagal pa bago makarating sa floor namin! Maaabutan kami ng dragon!
Hihilahin ko sana ulit si Juaquin papunta sa stairs pero itinaas nya ang kamay nya at hindi ko ito naabot.
"Pasensya ka na Mina, ngunit sa palagay ko ay hindi tama ang ginawa mo kanina sa babae. Kailangan nating humingi ng paumanhin."
Ibinuka ko ang bibig ko pero nag-stummer lang ako. Tinalikuran nya ako at akmang babalik sa pinanggalingan namin!
ANONG BALAK NYANG GAWIN?! DISASTER ITO! MAGUGUNAW ANG MUNDO!
Dali-dali akong humarang sa dinadaan nya.
"Juaquin! You cannot! As in hindi mo pwede syang kausapin!"
May kaunting irritasyon akong nakita sa mukha nya, pero mabilis din itong nawala.
"Hindi ko alam kung ano ang pinagtalunan ninyo o kung may away man kayo. Kung hindi mo sya nais na makausap, ako na lang ang hihingi ng paumanhin sa ginawa mo."
Naglakad na sya pabalik pero hinawakan ko ang braso nya at nagpabigat ako ng katawan.
"HINDI TALAGA PWEDE! Alam mo ba kung sino yung babaeng 'yon?"
"Malalaman ko din kapag nakausap ko na sya."
"HINDI MO NGA SYA PWEDENG KAUSAPIN DAHIL GIRLFRIEND SYA NI BOSS RAFAEL!"
Napatigil din sya sa wakas at maya-maya lang ay nakita kong ang pagkaunawa sa mukha nya. " Girlfriend? Kasing kahulugan ng kasintahan?"
"B-I-N-G-O!"
"May kasin---'girlfriend' na pala si Rafael. Komplikado nga ito kung magpapanggap ako na ai Rafael."
"Complicated but not impossible."
He looked at me hard, pero mukhang hindi sa kagandahan ko talaga nakatingin. Tumatagos ang tingin nya at parang nag-iisip ng malalim. Parang ayaw nya talagang magpanggap na si Rafael. Pero, pinaliwanag naman ng mabuti ni Kat sa kanya kung bakit nya dapat gawin ito. At sabi naman ni Kat, kahit na pilit ay pumayag din naman sya. I just hope na naalala nya ang pinagusapan nila ngayon. As in now na, dahil naririnig ko na ang pagkalambag ng heels ni Dragona!
"Juaquin, please, 'wag ka ng magdalawang isip. Paparating na ang dragon!"
"Hindi ko sya lubos na kakilala..."
"Ok lang yon. Hindi kita iiwanan... basta 'wag ka din papayag na hindi ako kasama kahit saan ka dalhin nung bruhang yon. At saka, pakibabawan ng kaunti pa yung talagalog mo."