Ayoko nang pahabain pa ang mga pangyayari dito. Wala naman kaimpor-importansya iyon sa totoong gusto kong sabihin sayo sa liham na ito.
Okay, eto na talaga.
Oo na, ako na ang maraming pasakalye. Sorry naman. Pero gusto ko lang kasi malaman mo yung mga pinag gagawa ko para lang makalimutan kita.
Bigo man sa pag-ibig sa mga panahong iyon ay naisip ko, baka hindi lang talaga oras para tayo ay magkasama.
Pagkatapos ng graduation, nag kanya-kanya na tayong lahat. Kumuha ka ng Business Administration sa isang kilalang unibersidad samantalang Tourism naman ang kinuha ko.
Pero may isang pangyayari ang biglang dumaan sa mga panahong iyon. Senyales na para malaman kong... Hindi talaga tayo para sa isa't-isa.
Alam mo kung ano yun? Marahil nakalimutan mo na dahil ang haba na ng panahon na lumipas. Pero sa akin, tandang-tanda ko pa ang bawat katagang binitawan mo sa kaibigan ko.
"Hindi ko siya niligawan kasi... Ayokong masira ang pagkakaibigan namin"
Nang mga panahon na sinabi mo yan sa kaibigan ko ay katabi niya ako pero di ko lang narinig dahil tahimik kayong nag-uusap. Tapos bigla akong niyaya ng kaibigan ko pumunta ng C.R para sabihin sa akin ang sinabi mo.
Ano pa ba ang dapat kong maramdaman? Eh di nasaktan ako ng lubusan. Pero tinago ko ang lahat ng sakit na iyon sa isang ngiti at simpleng tugon.
"Tss... Okay lang yun noh! Matagal na akong move on!"
Yan ang sinagot ko sa kaniya.
T@ngna, move on? Sarili ko lang ang niloloko ko ng mga oras na yun. Gusto kitang hampasin dahil una sa lahat, pinaasa mo ako. At pangalawa, nakakainis lang dahil umamin ako sayo na gusto kita bago pa tayo grumaduate.
Pero alam mo yung isa pang pangyayari na gusto kitang suntukin? Noong araw na yun, you hold my hand and said: "ihahatid na kita sa inyo, gusto kong makasiguradong makakauwi ka ng maayos."
Nakakabwisit ka alam mo yun? Pinapakita mo pa din at pinaparamdam sa akin na espesyal ako sayo, pero ang totoo ay hindi naman! Na hanggang kaibigan lang talaga ako! T@ngna, ayoko ng umasa!
Tinanggihan ko ang alok mo at nagdahilan na lang ako na may pupuntahan pang iba pero ang totoo niyan ay gusto kong lumayo na sayo... Nang tuluyan.
At simula ng araw na yun, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na kita mamahalin pa. Kung ayaw mo talagang masira ang pagkakaibigan natin, pwes... Let's be friends forever.
Years later, dahil may facebook ay updated pa din ako sayo, at nagkikita pa din tayo minsan kasama ang mga kaklase natin at barkada.
The first time you saw me after 1 year, hindi mo ako nakilala.
I changed.
From my outer appearance down to my attitude.
Ang laki ng pinayat ko buhat ng stress sa school at kung ano ano pa. From 220 pounds to 150 pounds. Medyo pumuti na din ako at nag aayos na din ako ng sarili. Natuto akong magsuot ng mga damit na-in sa mga panahong iyon.
And I came out of my shell. Alam mo na ang ibig sabihin ko dun. I'm still me but version 2.0 na.
You had several girlfriends in the span of 4 years sa kolehiyo. At isa sa kanila ay naging barkada ko pa. She's really cool BTW. Pero di rin kayo nagtagal.
Pero alam mo, sa loob ng mga taong iyon, na realize ko kung paano nabago ang pag-ibig ko sayo.
Malalaman mo iyon sa susunod at pinaka-huli nang parte ng liham ko sayo. At sana, sa pagkakataong ito ay buksan mo ang puso't-isipan mo dahil ibubuhos ko na ang lahat ng tinatago ko sa nakalipas na walang taon.
Sa susunod na pahina neto ay... Pinapakawalan ko na ang lahat. Bibitaw na ako sa mga alaala ng nakaraan.
***
BINABASA MO ANG
A Letter to Romeo (COMPLETE)
Non-FictionIsang liham para sa isang lalaking minsan kong minahal...