"Ang Diary ng isang Nerdy Schoolgirl"

4.6K 88 20
                                    

A teen-fiction story by: Michelle Margarette Samson

Facebook: www.facebook.com/Simple.Life.Simple.Me

Instagram: mishhii_lovey

~o~o~o~o~o~o~o~o~o"Ang Diary ng isang Nerdy Schoolgirl"~o~o~o~o~o~o~o~o~

Chapter 1: "The Popular Girl, Chloe & The Strongest Feeling."

"Daniella, tara na! Uwi na tayo, anung oras na oh.." sabi ni Angelika. "Ah, oo. Um. Susunod nlang ako.. May isusulat pa ako sa Diary ko eh. I-ingat!" sabi ni Daniella habang kinukuha ang kanyang Diary at ballpen sa bag. "Ah.. Sige.. Bye! :)" ang naka-ngiting sabi ni Angelika habang kumakaway. "Sige! Ingat ulit!" ang pasigaw na sabi ni Daniella, habang kumakaway din at hawak ang Diary. "Hmm.. Sa school canteen nlang ako magsusulat sa Diary ko.." sabay sabi ni Daniella sa sarili nya habang hawak ang Diary na nakalagay sa dibdib nya.

=^=Pumunta si Daniella sa canteen at naghanap ng upuan=^=

"Ah! Aray!" ang sabi ni Daniella na napaupo, dahil natulak sya ng hindi nya kilalang grupo ng babae. "Tumabi ka nga sa daanan, nerdy girl. Wala kang sense of fashion! Ugh, tignan mo nman yang suot suot mo! Yuck! Full retard ka. Ugh.. C'mon girls! Let's get out of here.. We might catch her sickness. Sickness called: RETARDNESS. Hahahahahaha! Let's go girls. *snap*." sabay sabi ni Chloe. na biglang pumitik at sabay umalis na kasama ang grupo ng kaibigan nya. "Sheesh. Grabe sya.. Aray.. Braso ko.. Ang sakit! :( " sabi ni Daniella habang hinahaplos ang kanyang braso. "Ok ka lang? Hayaan mo si Chloe.. Ganyan talaga sya.. Hayaan mo nlang sya, maarte nman talaga sya ehh.. Uh. Ako nga pala si, Michael? Ikaw?." ang sabi ng biglang sumulpot sa harapan ni Daniella na si Michael. "Ah.. Ok lang ako.. Ah Chloe ang pangalan nya? Sya nga pala, ako si Daniella, nice to meet you michael." ang sabi ni Daniella habang naka-simangot. "Oh, parang di ka ok ha.. Pwede ba akong umupo kasama mo?" sabi ni Michael. "Ikaw bahala.. Aalis na rin nman ako maya-maya lng.. Magsusulat lang ako sa Diary ko eh.. Kaso, biglang dumating si "Ms. Panira ng araw.." hayy." sabi ni Daniella habang binubuksan ang lock ng kanyang Diary. "Ah. Sige samahan nlang kita.. Baka kasi balikan ka ng mga yun.. Don't worry, hindi nman ako titingin eh.. May ka-text din nman ako.." ang sabi ni Michael. "Ah. Sige.. May tiwala ako sayo.." sabi ni Daniella.

"Dear Diary,

Top 1 nnman ako sa Math class nmin. Sobrang saya ko. Pero, may pagka-lungkot din.. Dahil nagkaroon ako ng pasa sa braso, matapos matamaan ako sa table. Tinulak kasi ako ng isang mataray na babae na ang pangalan ay "Chloe" nagkaroon din ako ng bagong kaibigan.. Si Michael nga pala.. Ang bait nya sain, kahit saglit lang kami nagka-kilala. Ayan oh, katapat ko sya ngayong sinusulat ko itong Diary na ito. Marami nnman akong na-experience. Hay.. Tomorrow is sure gonna be another tough one. Dahil, sa Science class, andun si "Chloe." Kasi, nag-announce na yung teacher nmin in Science ng mga bagong pasok sa klaseng yun. Hay. Bangungot toh. Pustahan tayo.. Sige.. Bukas ulit! "

=^=Natapos na mag-sulat si Daniella at sinara na nya ang Diary nya=^=

"Oh, tapos na ako.. Tara na? Uwi na tayo. Baka maabutan pa ulit natin si Chloe. Baka bumagyo pa." Sabi ni Daniella habang nilalagay ang Ballpen at Diary sa loob ng kanyang bag. "Ah sige. Sabay na tayo? ang sabi ni Michael habang kinukuha ang kanyang bag sa lamesa. "Sure. San ka ba nakatira? Ako kasi isang sakay lang ng jeep." sabi ni Daniella habang sinusuot ang bag. "Ah. 2 jeep pa ako eh. Pero hatid na kita. Sabay na tayo.." Ang sabi ni Michael. "Ikaw bahala.." sabi ni Daniella. "Tara na!" sabi ni Michael habang naglalakad at hinihila ang kamay ni Daniella. "Huh--Anu toh?! Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?!" ang sabi ni Daniella habang inilayo ang kanyang kamay sa kamay ni Michael. "A-eh, syempre.. Kasi dalian na dapat natin! Ah- may nakita na akong jeep oh! Tara na!" ang tila nervous na sambit ni Michael. "Uhmf! Sige , uh.. Mauuna na lang ako syo. Uh.. Wag mo na ako i-ihatid! Okay lang ako.. Ah.. Sige.. Bye na.." ang nagmamadaling sabi ni Daniella. "Ah. S-sorry ah.." sabi ni Michael.

Michael's POV ~

Siraulo talaga ako. Bakit ko pa kasi hinawakan ang kamay nya.. Pero-- ang kamay nya. Kahit saglit ko lang nahawakan ang kamay nya, may naramdaman akong, hindi ko dapat nararamdaman. A-anu ba to?! Hindi ko ito maintindihan.. Anu ba? Ba-bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Bakit? ang ganda ng buhok nya, kulay black, may highlights na brown.. Parang, ang sarap hawakan buong araw. Ang kanyang mata, kahit naka-glasses sya, nakikita ko ng malinaw ang kanyang magagandang mata. Kulay brown sa tapat ng ilaw. Siraulo talaga ako. Bakit ba? Anu toh? I-inlove na ako? ..

Daniella's POV ~

Hayy. Ngayon lang may humawak sa kamay ko na lalake. Kaya siguro bigla akong nagulat at hindi ko kinaya.. Ako naman kasi ang Nerd ng klase. Hindi nman kasi ako marunong magpaganda. Ako lang nman ang laging inaasahan na mag-report para sa klase namen. Hindi ako popular, katulad ni Chloe. Bakit ba hindi ako maging katulad ni Chloe? Buti nlang, may kaibigan pa akong totoo sakin. Si Angelika. Paano kaya kung magbago ako? Magpapatulong ako kay Angelika. Kaya ko toh..

Thanks for reading! Chapter 2 is next. Hope you enjoy "Ang Diary ng isang Nerdy Schoolgirl." i know the title is kinda like "Ang Diary ng Panget." Pero, hindi ko ito ginaya. Na-inspire ako sa title ng "Ang Diary ng Panget." Kaya, gumawa ako ng sarili kong kwento. Thank you.

Add me on facebook: www.facebook.com/Simple.Life.Simple.Me

Instagram: @mishhii_lovey

Thank you again! Bitin ba? Haha. I'm sure hindi kayo mabibitin sa Chapter 2. Kasi 2 parts ang Chapter 2! (: Thanks for Reading again! ~.I'll update it later.~ so Please add this to your reading list, because i'm going to update it. Not like my other stories. ;*

✌✌Vote.Comment.✌✌

"Ang Diary ng isang Nerdy Schoolgirl"Where stories live. Discover now