Chapter 26 *Baguio City*

8 0 0
                                    

Lily's POV

Pag-mulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang isang napakagandang tanawin. Ito na nga kaya ang Baguio City? Dumadampi sa akin ang napakalamig na simoy ng hangin at ang napakagandang klima na siyang nagugustuhan ko. Nakita ko si Yulesis na papalapit sa akin .

"Wear this", he handed me the brown sweater na sa tingin ko ay pinaghirapang I weave gamit ang gantsilyo.

"Nasa Baguio na ba tayo?"

Sandali siyang tumawa ng mahina at unti-unting tumango.

Inilinga ko pa ang aking mga paningin at nakapukaw sa akin ng pansin ang mga Igorot doon , masayang nagsasayaw at ang mga ngiti na gumuguhit sa kanilang labi ang nagpapatunay ng ligayang kanilang nadarama.

Pinakawalan ko ang isang buntung-hininga at kasabay noon ang paglabas ng usok sa aking bibig.

"Wala ka sa Korea ha" , sambit niya at iniabot pa sa akin ang kape.

"Salamat "

Huminga ulit ako at lumabas ulit ang usok na siyang sobra kong ikinatutuwa.

Tawa naman ng tawa si Yulesis. Ano pa nga bang aasahan ko sa lalaking to? Puro katatawanan lang ata ang alam sa buhay.

Matapos kong maubos ang kape ay hinila na niya ako para mamasyal. Nakita ko ang isang hagdan na maraming mga baitang.

"Tara , akyat tayo dito"

Hinawakan niya ang aking kamay at hindi ko maiwasan ang ngumiti. Tila isang napakagandang pagmasdan at mistulang sukat na sukat ang pagitan ng aming mga daliri .

"I know I'm handsome"

"Psh. Pati ba naman dito sa Baguio dinadala mo ang kayabangan mo"

"Yabang? Or yung pagiging totoo ko?"

Kumindat pa siya sa akin at hanggang ngayon hawak hawak pa rin niya ang aking kamay.

"Teka , ano ba ang naghihintay satin diyan sa taas?"

"When you take these 100 steps , there's a small altar there. You can wish whatever you want. "

"T-talaga? Tara bilisan na kaya natin"

This time ako na ang humila sa kanya at nagtatakbo ako habang umaakyat. Sobrang nakakahingal at nakakapagod pala talaga itong akyatin kaya sandali muna akong tumigil.

May dala dala namang tubig si Yulesis sa backpack niya kaya pinainom niya ako. Maya maya tinuloy na namin ang pag-akyat at narating din namin ang taas.

"See? The view from here was so awesome!"

"Oo nga no? Ngayon ko lang natanaw ang lugar na ito"

"These stairs remind me that in every steps of sacrifice and hardships , victory awaits."

Tumingin ako sa mga mata niya.

"Pwede na ba akong mag-wish?'

"Go ahead "

Sana maging okay na ko. Sana maging okay na ang lahat. Sana magkaroon na ng hustisya si Lianne.

"Done. Ikaw anong wish mo?"

"Wish ko , maging tayo. "

He looked at me straight from the eye.

"I'll wait when things get work and when the right time comes for us to take a chance."

Sinuklian ko siya ng ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon