Hailey's Point of View
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Kuya Zane. Nandito siya mismo. In flesh. It's been a while since umuwi siya dito.
Grabe. Sobrang idol ko 'tong si Kuya Zane. He's almost perfect at hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yun.
Kasama siya sa dean's lister sa college nila. Ang balita ko pa nga ay nakasali pa siya sa pageant ng college nila at nanalo siya. Sa itsyura ba naman niyang 'yan hindi na rin nakakapagtaka. Gwapo kaya niya. Nanalo rin siya at naging student body president ng buong campus nila. Patunay lang na hindi lang siya matalino academically pero kaya niyang mamuno ng gano'ng kalaking population ng students. Namana rin niya 'yung galing sa pagtugtog ng gitara nila Tito Xander pati na rin ang pagkanta.
Grades, check! Looks, check! Brain and leadership, check! Talent, check!
Jusko. Ano pa ba ang kulang dito kay Kuya Zane? Almost perfect na. Wala ka nang hihingin pa. Perfect package na kumbaga.
He's every girl's dream and every guy's friend.
"Long time no see, Kuya Zane! Mabuti naman at umuwi ka na rin dito. Namiss mo kami, ano?" biro sa kaniya ni Nate.
"Oo naman. Ang tagal ko na kayong hindi nakita. Tumangkad ka, Nate."
Nag pogi sign si Nate. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun eh ang sabi sa kaniya, tumangkad siya. Tumangkad at hindi gwumapo o pumogi. Weird.
"Ikaw, Hailey. Aba.. gumaganda ka lalo, ha? Blooming ka. May manliligaw ba?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sanay tumanggap ng compliments. Hindi ko alam kung paano magrerespond sa sinabi niya kaya ang tanging ginawa ko ay umiling at ngumiti.
"Look at you, Piper! Dalagang dalaga ka na. Ang ganda mo rin lalo ngayon. May pinagpapagandahan ka ba?"
Bago pa man sumagot si Piper ay may umubo na sa likod namin. Si Hunter. Katabi niya si Warren na katabi naman ni Tamara.
"Thanks, Kuya Zane. Anyway, I want you to meet our new friends." Hinila ni Piper si Kuya Zane para lumapit kila Warren kaya napasunod kami ni Nate. "Her name is Tamara and he is Hunter naman."
"Nice to meet you po," sagot ni Tamara samantalang tumango lang si Hunter sa kanya.
Binati ni Kuya Zane si Warren pero napansin kong mukhang hindi naman masyadong excited si Warren sa pagdating ng kapatid niya. Parang mas natuwa pa kami kaysa sa kaniya. O baka sadyang pagod lang siya ngayong araw.
"Bakit ka nga pala nasa school namin?" tanong ni Warren sa kanya.
"Susunduin dapat kita. Kaya lang mukhang may lakad kayo. Saan ba punta niyo?"
"Kakain lang dyan sa gi -- "
"Kakain kayo? Pwedeng sumama? My treat."
Napapalakpak si Nate at agad lumapit kay Kuya Zane saka umakbay, "Ikaw lang talaga hinihintay namin. Tara na sa kung saan mang fastfood."
Nagsisunuran kami sa sasakyan ni Kuya Zane kaya lang nang mapansin kong hindi sumusunod si Warren ay napahinto ako.
BINABASA MO ANG
The Trouble with the Rule
JugendliteraturTeen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand. A story about love, friendship and family. (Completed. Published under Pop Fiction.)