I

44 0 0
                                    

Natasha Zia Reyes

"Looks like you're gonna have a long weekend this week," sabi ng teacher ko pagkapasok niya sa classroom. Idi-dismiss na kasi kami eh, kaya mga announcements and reminders nalang and then uwi na. Smiles were on our faces kasi sa wakas makakapahinga na rin kami, and long weekend pa.

"Enjoy it, kasi hindi niyo mapapansin may pasok na pala sa susunod na araw." Today is Wednesday, and wala kaming pasok from tomorrow hanggang Monday next week. Five days rest, ang saya saya!

Linapitan ako ng friend-slash-pinsan kong si Kylie nang idismiss na kami ng teacher namin. Magkalayo kasi kami sa seat plan eh.

"Ano niyan ang plano mong gawin sa five days rest?" Tanong niya sakin.

"Well, siyempre magpapahinga ako't matutulog nang naaaaapakatagal. Tapos mamamasyal ako dun sa library ni Tita Jean," sagot ko sa kanya. Mama ni Kylie si Tita Jean, ang kapatid ng dad ko. She owns a library and it's paradise, I swear.
Kylie waited for me para ayusin ko ang mga gamit ko so huli kaming lumabas sa classroom.

Kylie put her hand on her hip. "Kailan kaya darating yung araw na magiging social ka at sasama ka sa mga party na inaattendan ko?"

I shook my head at her and smiled. "The parties you go to are just not my cup of tea."

Tinaas niya yung dalawang kilay niya. "Gusto mo ata tea party, 'te?" Tumawa nalang ako. Tumigil kaming dalawa sa paglalakad nang mapunta na kami sa entrance doors ng school building. Magkikita dapat kasi si Kylie and her boyfriend, Jonas.

Limang minuto na ang lumipas at wala pa ang boyfriend ni Kylie. Nainip na ako't talagang gusto ko nang magpahinga kaya nagsalita na ako. "Nasaan na ba yang Jonas na 'yan? Gusto ko nang matulog, Ky. Pwede bang umuwi na tayo?"

"Inggit ka lang kasi wala kang love life," sabi niya. "Excuse me? Ang dami ko kayang boyfriend!" sagot ko sa kanya. "Oo nga eh, ang daaaaami. Sa libro lahat. Mga fictional characters. Hindi totoong tao." Pinalo ko siya nang mahina sa braso niya. "Aray naman!" I jokingly rolled my eyes at her. "Ikaw kasi eh, linoloko mo pa ako. Nasaan na ba yung boyfriend mo? Iiwan na talaga kita dito, bahala ka," I whined. Ang tagal kasi eh. I started to walk pero pinigilan ako ni Kylie.

"Natasha naman! Ayan na siya oh!" Tinuro ni Kylie yung blue car ni Jonas. He stopped his car right in front of us and rolled down the window by the passenger's seat. "Babe, sorry na-late ako," sabi ni Jonas. Pumasok na si Kylie sa kotse and she replied with, "It's okay, babe." I pressed my lips together kasi nagpipigil ako ng tawa.

I put on a straight face pagkaharap saakin ni Kylie. "'Di ka pa ba papasok sa kotse?"
I realized na ayokong maging third wheel, lalong-lalo na kung sa kanilang dalawa ako magiging third wheel. Baka hindi ko na mapigila't umiyak ako sa kakatawa. "Maglalakad nalang ako," sabi ko sa pinsan ko. "Tambay muna ako dun sa library ni Tita. Surely naman kasi may date kayong dalawa eh, I don't wanna bother." "Text mo 'ko kapag nakapunta ka na sa library ah?" Sabi ng super caring cousin ko. "Oo, sige. Ingat kayo," sabi ko sa kanilang dalawa, sabay kaway.

Kaagad akong nakita ni Tita Jean pagpasok ko sa building. Ang laki talaga ng library niya! As I've said before, it's literally paradise.

"Natasha!" Lumapit si Tita saakin and she pulled me in for a short hug. "Buti napadaan ka? Kakatapos palang ng classes niyo ah? No schoolwork?" She asked. I shook my head and smiled at my aunt. "Wala naman po, so I decided na magrelax na muna po."

"Makakapagrelax ka ba dito?" Tanong niya saakin. "Yes naman po, Tita. It's a quieter and a more peaceful place to read than home. Ang ingay po kasi ni Kylie eh," I joked. Tumawa siya and led me to the librarian's desk, kung nasaan yung mga records nila. Records as in yung listahan ng mga books sa building, kung sino ang nanghihiram sa book, and some info about the library users. For example, kung hindi mo pa naibabalik yung book and hindi ka naman nagparenew, ico-contact ka nila to remind you.

"Nasaan nga pala si Kylie?" Tita Jean asked. "Kasama niya po si Jonas. Nag-date po ata," sagot ko. Tumango si Tita and pumunta na siya sa harap nung computer dun sa desk. "Do you have a book in mind, Nat?"

I shook my head no. "Pwede pong patingin nalang po sa mga recommendations ng recent readers?"
Tita Jean nodded and showed me the Recent Readers' Recommendations page. Kasi you can recommend a book if you've recently finished reading a book from this library, pero anonymous siya, kahit may record na ng users sa mismong computer.

May isang book na nakakuha ng attention ko, because I've never heard it before but it looked like a good book. The synopsis sounded very interesting, and the book cover was very beautiful too, kaya why not give it a try?

"Available po ba 'tong I Found by Ayesha Morgan, Tita?" Tanong ko sa kanya. Tita Jean started typing and looked it up. She smiled at me and nodded. "Nasa YA section 2 siya." Ngumiti ako sa kanya and thanked her. Pumunta na ako sa section 2 ng YA books and hinanap ko sa mga bookshelf yung book.

My face was filled with joy nung nahanap ko na yung book. I went back to the librarian's desk and nagparecord ako. Umupo na ako to start reading nung narecord na ako. I opened the book with excitement, and to my surprise, may sticky note na nakadikit doon sa first page ng book.

Ang ganda ng handwriting.
Hi. Babasahin mo rin yung book?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

notesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon