Unexpectedly Inlove

83 1 0
                                    

“Ikaw, bata ka! Gumising ka dyan! Wala ka nang nagawang tama sa pamamahay na to! Lagi ka nalang sakit sa ulo! Bumangon ka dyan! Salot ka talaga! Bangon! Wala ka talagang kwenta!”

“Honey, tama na yan. Kakauwi lang ng anak mo e.”

“Umaga na kakauwi lang?! Salot talaga to! Kung buhay lang si Annya hindi yun ganyan dapat talaga itong batang to nalang ang namatay. Dapat ito nalang ang na…..”

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si daddy at tumayo ako at dumaan sa harap niya.

“Bumangon na. Itikom mo na yang bunganga mo.”

“Aba’t bastos talaga.”

Hinawakan naman ni mommy si daddy at lumabas na sa pintong hawak ko dahil pinagbuksan ko na sila para lumabas na. Habang lumalabas ay nagsasalita pa si daddy. “Humanda ka saking bata ka! Ako mismo ang maghahanda ng mga gamit mo para lumayas!” Yan ang sinasabi niya habang lumalabas ng kwarto.

Yan ganyan ang umaga ko sa bahay na ito. Ganyan ako gisingin ni daddy punong puno ng hurtful words sanay na rin ako dahil mag dadalawang taon na siyang ganyan. Simula nung mamatay ang kapatid ko.

Nabubuhay akong parang patay sa harapan ni daddy. Mas pinapansin niya pa ang mga mali ko kesa sa mga tamang nagagawa ko. Wala siyang pake kung top ako sa klase para kase sakanya nawalan siya ng perpektong anak dahil sakin.

Ako kasi ang sinisisi niya sa pagkamatay ni ate. Kasalanan ko bang mainlove siya ng sobra dun sa gagong nangiwan sakanya? Kasalanan ko bang nagpakamatay siya dahil broken hearted siya? Kasalanan ko bang di ko siya napigilan e desisyon niya namang hindi magpapigil? Oh? Baka kayo din iniisip niyong ginusto kong namatay siya? Hindi noh! Nasaktan din ako nung nawala siya pero hindi ako galit sa sarili ko dahil wala akong nagawa nung nagpakamatay siya dahil wala na akong kasalanan dun desisyon niya yun. Hindi naman kasi talaga ako ang dapat sisihin kundi yung gagong nanggago sa kanya. Kundi yung gagong Albert? Alwin? Aldrin? Oh kung ano mang pangalan niya. All this time naging miserable ang buhay ng ate ko at buhay ko dahil sakanya. Mali yung sinasabi ni dad na sana ako nalang ang namatay dapat yung hayop na lalaking yun ang namatay! Siya ang salot! Dahil sa kanya wala akong kwenta sa mukha ni daddy, dahil sakanya wala na si ate, dahil sakanya wala pa akong…………… lovelife hanggang ngayon!

Yes! NBSB pa ako. ^_^ Siya ang sinisisi ko you know why? Ayoko kasing matulad sa ate ko ayaw kong mamatay. Baka pagnainlove kasi ako at nabroken baka hindi ko rin kayanin at magpakamatay din ako.

Nasa 4th year college na ako sa isang Filipino school dito sa Korea pero wala pa rin akong nagiging boyfriend hindi ako manang actually maraming nagkakagusto sakin. Ganda ko kaya pero I’m afraid to love. Takot talaga ako. Sa  lahat ng nangyari kay ate sa tingin ko sapat na dahilan na yun para matakot.

Hindi ko inaakalang sa isang iglap mawawala ang pagkatakot na yun dahil sa taong naging dahilan din mismo ng pagkatakot na yun.

BTW, This is Anika Yang. This is my life and This is my love story.

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon