Can Love Ease My Forlorn Madness?

505 10 7
                                    

"Can Love Ease My Forlorn Madness?"

a Forlorn Madness Fan Fiction

Written by: Van_Darkhaven[Wattpad] / Admin Christian of ForMad Page

Credits to: Direk_Whamba

This story is for Ivy Lorraine. Sana mapasaya ka ng storyang ito Ivy ;)

**********

Introduction:

Forlorn Madness-- Mabaliw ng nag-iisa.

Isang karamdamang bibihira lang ang nagkakaranas. At sa kasamaang palad, hindi ito nalulunasan.

Paano kung isa ka sa makakaranas ng karamdamang ito?

Nanaisin mo bang mag-isa o maghahanap ka ng makakasama?

Mapapawi ba ng pagmamahal ang kabaliwan ng iyong pag-iisa?

O ang pag-ibig na yun ang lalong magpapalala sa kabaliwang iyong nadarama.

--------------

Haahhh~!

"Good morning, Ivy Lorraine!" nakangiti kong sabi sa sarili pagkagising ko. Pero napawi rin kaagad yun ng makaramdam ako ng lungkot.

Tumayo na ako sa aking kama at pumunta sa may bintana. Hinawi ko ng bahagya ang kurtinang nandun kaya bumungad ang kadiliman ng paligid.

It's been a month ng ma-diagnose tong karamdaman ko. Isang karamdaman na hindi pamilyar sa nakararami. Forlorn Madness ang tawag ng mga doctor sa karamdamang ito at sa kasamaang palad walang lunas o gamot para dito.

Isa sa sintomas nito ay ang pagbago-bago ng mood gaya ng nangyari sakin kanina. Minsan masaya tas magiging malungkot. Nandyan pang tumatawa ako ng parang wala ng bukas at umiiyak ng walang kadahilanan.

I accept the fact that I am literally Crazy. And that truth hurts.

Wala akong kaibigang matatawag dahil sa kabaliwan ko. Nag-iisa lang kasi ako dito sa condo ko at wala akong nakakausap kahit na sino.

Ni sarili kong magulang iniwan ako ditong nag-iisa. Pero di naman sila tumitigil para matustusan lahat ng pangangailangan ko.

Naibalik ko na sa dati yung kurtina tsaka pumunta sa table dito sa room. Agad akong umupo sa stool at binuksan ang laptop ko.

Huminto saglit ang oras ko ng mabungaran ang litrato ng isang lalaki sa screen nitong laptop ko. Isa siya sa member ng sikat na band.

Actually, accidental lang ang pagkakahanap ko sa grupo niya.

Nagse-search kasi ako noon sa google ng mga blog tungkol sa illness ko at hindi inaasahan na yung band nila ang bumungad sakin. Same name kasi ng band nila yung sakit ko. At may kung anong hiwaga sa kanila lalo na sa mga titig nila. Hindi kasi pangkaraniwan ang kulay ng mga mata nila at may pagka-gothic pa genre nila.

Hayy! Na-stock na naman ang mundo ko kay Hio. Siya yung bassist nila at siya yung naka wallpaper sa laptop ko.

Wag na kayong magtaka pa. Babae lang ako at natural lang sakin ang humanga sa lalake.

I admire him because he's too damn handsome.

Ewan ko ba, baka isa lang tong nararamdaman ko sa sintomas ng aking sakit. Kulang na lang kasi sambahin ko siya. At may urge pa kong nararamdaman na tila ba gusto ko siyang makita sa lalong madaling panahon.

Naitigil ko na ang pagtitig sa litrato niya dahil baka lalo pang tumindi tong nararamdaman ko. Sinara ko na ulit ang laptop ko at yumuko nalang sa table ko.

Forlorn Madness Fan FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon