Chapter 1

45 2 0
                                    

“Lei.”

Itinaas ko ang aking ulo para makita kung sino ang taong nasa harapan ko. Pero blurry ang face niya at parang kilala ko siya.

“Lei, i love you.” At bigla niya akong niyakap.

Pagtingin ko uli sa kanya, naging unan ang mukha niya. UNAN??!!

“Hoy, Leah. Bumangon ka na nga diyan, tulog-mantika ka talaga. Kanina pa to tumutunog ang alarm mo, ‘di ka pa rin gumigising.” Hay naku, sinasabi ‘yan ni mama habang ako’y hinahampas ng unan.

“Ma naman, inaantok pa ako eh.” Pilit kong iniiwasan ang mga hampas niya.

“Ano ka ba Leah! Alas siete na, parati ka nalang huli sa paaralan.”

“HUH?! Alas siete na?!” Tuluyan na rin akong nagising at dumiretso sa banyo para maligo.

“Hala sige, maligo ka na at ihahanda ko na ang almusal.”

“Sige po, thanks ma.”

At ‘yun na nga ang tinatawag nilang cramming time. Alam kong sanay na sanay na rin ang karamihan nito lalung-lalo na sa katulad ko na palaging nahuhuli. At matapos ang labin-limang minuto lamang ay handa na ako para sa school. Ang bilis ko noh? Kasing bilis ko kasi si The Flash. J

“Bye ma, papasok na po ako.” Sabay halik sa kanyang pisngi.

“Oh sige, mag-ingat ka anak.”

By the way po, ako nga pala si Leah Elyssa A. Atienza, 2nd year high school student ng St. Therese Academy. Unang araw ng pasukan namin ngayon, matapos ang napakaikling bakasyon, haaayyy. Isa lang po akong simpleng babae, may mga pimples din na biglang sumusulpot tulad ng sa iba. Hindi rin matangkad, katamtaman lang, dahil nagmana kay mama. Well, may dalawa pa akong nakababatang kapatid pero sa susunod ko na sila ikukwento. May pagkachubby din ako at higit sa lahat, isang average student sa school.

Pero ngayong taon na ito, susubukan kong may gawing pagbabago dahil sa isang pangakong binitawan ko ngayong summer.

Flashback...

 “Ui Leah, di ka ba nagsasawa na bahay tapos school taz bahay ulit lang tayo nung first year?” tanong ni Gabby sa akin, kababata at matalik kong kaibigan.

“Hindi naman, bakit?”

“Parang ang pangit eh, invisible ka lang sa school tapos baka paggraduate mo in the future wala ka ring achievements at medals na makukuha.”

“Oo nga noh, may punto ka din.”

“It will make our highschool life not worth it, gusto mo ba yun?”

“Hindi din, bakit ano ba ang binabalak mo?”

“Why don’t we try to engage ourselves sa mga school activities. Let’s widen our group of friends and gain more experiences. For sure, it will give us good memories after graduation.”

“Eh, parang ang hirap naman niyan. Nakakahiya kaya kung bigla ka lang lalapit sa isang grupo taz sasabihin, Hello friends! Can I be part of your group?” sinabi ko ‘yun habang ginagaya ang boses at galaw ng isang maarteng babae.

“Hahaha, LEAH!”

“At isa pa, parang nakakapagod din sumali sa mga school activities Gab.”

“Ano ka ba Lei, don’t be a pessimist, di pa nga natin natatry. At alam mo, it’s a benefit for the both of us naman.”

“Pero Gab, wala pang kalyo tong mukha ko para hindi mahiya ‘di tulad ng sa’yo..”

“Hala! Di kaya makapal tong mukha ko. Basta wala ng pero. Let’s just make a pinky promise.” At inoffer niya na ang kanyang right hand pinky.

“Promise?”

“Hay, ikaw talaga, ang hilig-hilig mo magpromise.”

“Para naman po makonsensya ang mga taong di tumutupad.”

“Oi, tumutupad kaya ako.”

“Asus, sige nga, kailan?” Naku naman, napaisip ako ng di oras, parang wala nga akong natupad ah, haha.

“Haha, basta! Hay naku, sige na nga. Promise.”

“Ikaw ha, patay ka talaga ‘pag di mo na naman tinupad ang pangakong ‘to.” Sinasabi yun ni Gab habang pininch ang nose ko hanggang sa mamula. Ang sakit ha.

“Aray!! Ui Gabby, ano ka ba!” Hahampasin ko na sana siya pero nakatakbo na ito. Hay naku, wala akong laban sa mga taong mabilis tumakbo.

End of flashback

At ‘dun nagsimula sa isang pangako ang pagbabago ng aking buhay.

Once Upon A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon