Pagdating ko sa room namin. Laking pasalamat ko dahil wala pa ang aming bagong adviser. Naghanap ako ng mauupuan, kanya-kanya kasing pili. Naalala ko na naman si Gab, hindi na sana ako mamomroblema sa magiging seatmate ko kung nandito lang siya.
Flashback...
Nasa tambayan kami ngayon. Sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa may park ng subdivision.
“Lei, may sasabihin ako sa’yo.”
“Ano ‘yun?”
“Lilipat na kami sa Manila temporarily.”
“Huh??! Bakit?”
“Alam mo naman ang trabaho ni Dad diba. Always out of town.”
“Pero hindi naman niya kayo sinasama diba?”
“Yeah, but this time, may inoffer ang boss niya na condo sa Manila for us to live in. Para hindi na daw kami mamiss ni Daddy. And he’s also offering my Dad na tutulong siya sa aking mga school expenses sa isang sikat na school na sinusuggest din niya. It’s a very big opportunity for my Dad and also to us.”
Hindi ako nakasagot, pinaprocess pa ng utak ko ang lahat ng sinabi niya eh. Si Gabby? Aalis? Pa’no na ako nito?
“Leah? Hello Leah?,” tapos kumaway-kaway siya sa harapan ko. Di ko namalayang nakatulala pala ako. “Hey, magsalita ka naman, para akong engot nito eh.”
“Uhmm. Sorry, hehe. Eh hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.” Pero deep inside, ang dami. Wala naman akong magagawa kung pipigilan ko siya diba, Daddy niya na ang nagdecide.
“Lei, siguro magandang pagkakataon din ito for us to meet new and other friends and learn to be independent right? I know we’ve been dependent on each other since we became friends. Kaya naman, panahon na siguro para lumabas tayo inside our shells with our own efforts diba?”
“Kaya ko kaya?”
“Oo naman. Ikaw pa! Leah, i know your a strong woman, you just still don’t know it yet. Kaya nga dapat na nating ipalabas ‘tong mga nakatagong talents natin eh.”
“Char! May hidden talents ka pala Gab? Di ko ata alam. Hahaha.”
“Hahaha, ouch ha, kaya nga tinawag na hidden diba. Just wait and see. When i get back, I’ll be a whole lot new person. Kaya dapat ikaw rin. Ipagpatuloy natin ‘yung naging promise natin last time. Okay?”
Hmmm, nag-isip muna ako sandali. Kakayanin ko kaya? Hay, sige na nga, bahala na si Batman.
“Okay! Pero dapat may deal tayo.” Ngumisi ako sa kanya.
“Ano ka ba, di na to nagiging promise eh, pustahan na kaya to.”
“Okay lang ‘yan. Para naman mapilitan talaga tayo diba?”
“Sige na nga, ano bang gusto mong deal?”
“Hmm,” ano kaya ang pwedeng masayang trip para dito. AHA!
“Alam ko na, kapag matalo ka, magbabakla-baklaan ka for 1 whole month, dapat damit pambabae ang mga suot ha, hahahaha.”
“Oi, ang sama mo talaga. Sige, may naisip na din ako para sa’yo.”
“Ano naman ‘yun?” ano kaya ang naisip ng taong ito.
“Lilibrehin mo ‘ko sa lahat ng gusto ko for 1 whole month. Ang saya noh? Ha-ha-ha, nasa akin pa rin ang huling halakhak.” Loko talaga ‘to, alam naman niyang kuripot ako na tao kapag libre ang pinag-uusapan.
“Ui, kainis ka, ibahin mo na lang, ‘lam naman nitong kuripot ang tao eh.”
“Kaya nga, ang hirap din kaya magbakla-baklaan. Isang buwan pa talaga, ‘di pwede isang araw?” nagpuppy eyes pa kuno.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Dream
RomanceBakit kaya nagkakatotoo ang mga panaginip ko? Pwede na akong maging psychic nito eh. :D