Chapter 17 - SHE'S A MEAN GIRL

9.7K 167 19
                                    

Chapter 17

[Marjorie's POV]

Dumaan ang mga araw at linggo eh lagi kang nagpapractice. Pero palagi kaming magkakasabay na nagpa-practice kasama sila Bryan dahil nga sa pinipigilan naming magkaron ng world war 3.

Ewan ko ba dun sa dalawang yun, simula nung first time na tinuruan ni Bryan sila Megan eh para na silang aso't pusa. Alam kong mahirap turuan si Megan, pero ganun din naman ako dati eh, pero hindi naman kami nag-aaway ni Bryan. Iba kasi maasar at magdamdam si Megan. At ibang klase ding mang-asar yan si Bryan.

Alam kong hindi kayang awatin ni Jade mag-isa yung dalawang yun kaya lagi kaming sabay-sabay nagpapractice at pati sa pag-uwi. Kung minsan nga eh si John na ang nagtuturo kay Megan.

Hindi ko na tuloy nakakausap si John tungkol dun sa naputol na usapan namin. Pero kahit naman hindi namin pag-usapan yun eh alam ko na ang sagot sa mga tanong ko. Isa lang ang hindi, yun ay kung bakit sila nagbreak.

Ngayon ko lang napagtanto, chismosa pala ko? Hahaha, pero kay John lang naman. ^_^v

Gaya ng dati, ang setting na naman ngayon eh sa TTC room, meeting =__=

Magsisimula na daw kasing mamili si Kuya Dan at yung coach namin kung sino ang mga lalaban sa dadating na tournament. Sows, di na ako umaasa. Although marunong na naman ako kahit papano, pero hindi pa pwede sa mga tournament na yan.

"Ok guys, meet sir Kevin, ang magiging coach natin." pakilala ni kuya Dan doon sa mama sa tabi nya. Kala ko kanina eh bodyguard, yun pala yung coach namin.

"Hi coach!" sabi nung mga guys dito sa TTC.

"Hello. Ready na ba kayo sa elimination?" sabi nung coach namin.

Grabe? Elimination talaga? Ano to contest? Eh sabagay, tournament nga eh =___=

"Yeah! Woooo!" sigawan nung mga iba naming kamember except kami nila Jade at Megan. Yung totoo? Excited kayo? Edi kayo na, kami na hindi. =_=

Grabe kinakabahan ako eh. Parang gusto kong lumubog dito sa kinauupuan ko. Pwede kayang hindi na sumali?

"Okay. Ang mga seniors ay required na mag try out para makasali sa team na lalaban sa tournament. Pero yung mga juniors, kayo bahala kung magt-try out kayo. Kung gusto nyo, okay good. Pero kung ayaw nyo, okay lang, next year pa kayo required." sabi ni coach habang nakapamewang.

Yeah! Hulog ka ng langit! Parang narining nya yung tanong sa isip ko ah, haha.

Tumingin ako kay Megan at kay Jade. Yung mukha ni Jade eh parang nakahinga din ng maluwag. Pero si Megan, no reaction. Alam kong gusto ng umalis nyan dito sa club, pero ayaw lang kaming iwan.

Pero si Jade, hmmmm, may hindi sinasabi samin to eh. Kung sabagay, ako din naman eh may hindi sinasabi sa kanila. Yung about kay John at Lorraine at kay Martin at kay Tristan ba yun? Ewan ang gulo ng buhay nila.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon