Audrey's POV
Nandito kami ngayon lumalakad sa mall kasama ko si Noah. Nakaakbay ito sa akin at para lang kaming magkasintahan. I'm not really sure kung anong nangyayari kay Noah. Kung bakit ganito na lang ang treatment niya sa akin. He seemed to care so much, showing me his gentle affection, his sweet gestures and intimate kisses. Feeling ko, I'm on a dreamland at ayaw ko ng gumising.
Parang ayaw naming dalawang maghiwalay. Nakaakbay pa rin ito sa akin habang lumalakad kami at ako naman nakayakap sa kanya. "Noah, maganda ba ang movie?" Tanong ko pa sa kanya.
Pinindot nito ang ilong ko. "Mas maganda ka pa sa movie." Sabay tawa nito. "Totoo pag tinitingnan kita naaaliw na ako." Dagdag pa niya.
"Kakainis naman. Mukha ba akong komedyante at naaaliw ka?" Tanong ko namang kunwari nagtatampo.
"Hindi ka mukhang komedyante. Mas maganda ka pa sa bidang artista na pinapanood ko." Sabi naman nitong seryoso. "Hindi ako magsasawang tingnan ka."
Tumingin ako sa kanya. "Noah, sinabi mo yan ha! Sige ka baka maniwala na ako sayo niyan." Dagdag ko pa dito.
Natahimik kaming bigla ng magtama ang aming mga mata. "Yun ang totoo. Hindi ako mabola na tao. I stopped doing this, being romantic thing since Margie." Sagot pa niyang biglang nalungkot. "Kaya kung ano ang sinasabi ko. Yun ang totoo."
May dinaanan kaming expensive at imported na chocolate store. Sabi ni Noah may bibilhin lang daw siya. Sumunod naman ako sa kanya na ngayon ay hila hila na ang aking kamay. Nakatingin ang saleslady sa aming dalawa. Nagsalita si Noah. "Miss, any recommendation for an expensive chocolate?" Tanong ni Noah sa kanya.
Napangiti ang babae. "The best we have here is a chocolate from Belgium and also the one from Switzerland. Para sa akin Sir, itong from Belgium ang pinakamasarap." Sagot pa nitong tumitingin kay Noah at tsaka sa akin rin.
"Sige Miss. 1 box of chocolate from Belgium please for a lady here with me." Sabi pa ni Noah na napapangiting kumindat sa akin. Feeling ko ng ginawa niya yun, parang lulundag ang puso ko. Ang gwapo gwapo ni Noah! Parang himatayin ako sa kilig.
Tumikhim ang babae na tumingin sa akin. "Naku Mam. Ang sweet ng boyfriend mo. Pero panigurado akong magugustuhan mo ang tsokolate na ito." Sabi sa akin.
Nahihiya akong sumagot sa babae. "Hindi..." Pinutol ni Noah ang sasabihin ko.
"That's one of her favorite and she's sweeter than chocolate." Pagputol pa ni Noah sa sasabihin ko sanang hindi ko naman boyfriend ito.
Napangiti tuloy ang babae. "Nakikita ko nga Sir kung gaano siya ka sweet na tumingin sayo. Aba dapat lang. Sa gwapo niyo po! Pero bagay kayong dalawa. Sobrang ganda kasi ni Mam." Sabi ng babaeng nagpangiti sa aming dalawa ni Noah.
Pagkatapos magbayad sa cashier ay ibinigay na ni Noah sa akin ang tsokolate na nakalagay sa mamahaling box. Nahihiya ko pang tinanggap ito. "Thank you Noah." Ang maikli kong pasasalamat sa kanya habang nakatingin sa gwapo nitong mukha at magagandang mga mata.
Umiwas ito ng tingin. "Halika nga. Sa mga ganyan mong tingin baka kung ano na naman ang magawa ko sayo. Para kang gamot. Nakaka adik kang tingnan." Sabay halakhak pa nito at hila hila ang kamay ko. "Kain muna tayo ng snacks bago dumiretso sa condo." Dagdag pa na sabi ni Noah.
Nandito kami ngayon sa isang fancy restaurant. May instrumental music na nag play sa background. Magkaharap kami ni Noah sa table. Dumating ang waiter at tinanong ni Noah kung ano ang gusto ko. Si Noah na lang ang pinag desisyon kong umorder at hindi naman ako sanay sa mamahaling restaurant na ganito.
Hinawakan ni Noah ang kamay ko na nasa taas ng mesa. "Audrey, wala ka bang balak na mag aral muli? I can support you if you want to." Sabi pa nito sa akin.
Tumingin ako kay Noah. "Nag iipon ako Noah. Makakabalik din ako sa pag aaral." Ang tanging naisagot ko pa dito.
Tahimik lang kaming nagtitinginan. Masaya lang sa feeling na ganito ka sweet at ka concern si Noah sa akin. Sana hindi siya magbabago. Nasa ganon kaming moment ng may makita akong babae na papalapit sa amin. Napakaganda niya. Sophisticated ang dating at mamahalin ang mga accesory's at damit nito.
Narinig ko na lang itong humihikbi at tinawag si Noah. "Noah!" Sabi nito na tumutulo na ang mga luha. "I'm sorry!" Sabi nitong hindi na napigilan ang emosyon. Lumuhod ito at niyakap si Noah.
Walang gaanong emosyon sa mukha ni Noah. "Margie, that's ok. Get up please. You don't need to do this." Sabi pa ni Noah na inalalayan itong tumayo.
Tumayo ito at niyakap ng napaka higpit si Noah. "I'm back sweetheart. I love you. Aalis na ako pero sana makapag usap tayo ulit." Sabi nitong umiiyak pa rin at dali dali na itong umalis.
Parang na shock si Noah sa mga pangyayari. Nakalimutan na rin niya akong ipakilala kay Margie. Yung kaninang masaya niyang mukha, ay puno na naman ng poot at galit. Puno ng hinanakit ang mga mata nito. Nakita ko na lang na nag bend ito at umiyak. Ganon ba talaga ka importante ang babaeng yun at iiyakan siya ni Noah? Gaano ba ito kahalaga sa buhay niya at ganito na lang ang epekto niya kay Noah. Few minutes ago ang masayahing Noah ay bumalik na naman sa taong galit sa mundo.
Wala akong may nagawa kay Noah. I wish to hug him, to tell him it's ok. "Noah, nandito lang ako pag kailangan mo ako." Sabi kong sabay hagod sa balikat niya.
Tinapunan lang niya ako ng pagalit na tingin. "Wala kang may magawa sa nararamdaman ko dahil hindi mo alam ang pinag dadaanan ko. You are just like her! Huhulihin ang weakness ko. Paaasahin at iiwanan ako. Para quits tayo. We can just be fuck buddies. Yun lang ang gusto kong gawin sayo!" He said to me harshly. Walang gentleness ang boses, kundi puno ng poot at galit.
Wala akong may naisagot kay Noah. Na shock ako sa kaibahan ng pag uugali nito. Kani kanina lang kung puno man ito ng pag iingat at concern. Ngayon naman ay kabaliktaran ng Noah ang aking nakikita.
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
De TodoTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...