[Chapter 3] Week One: All about Mr. Jake (The ULTIMATE SATYR)

183 13 0
                                    

[Chapter 3] Week One: All about Mr. Jake (The ULTIMATE SATYR)

“Ano bang meron jan sa sinasabi nilang Jake Alcover? Tatlong buwan ng pinag-uusapan sa campus ang taong yan, dahil siya daw ang hot dito sa school, ahhm correction ang grupo pala nila, ang M4! But, hindi ko pa nga talaga sila nakikita. Imbis daw na sila ang lumapit sa mga kababaihan, ay sila na ang hinahabol at nilalandi[Oh come on!]. At yung Jake, siya daw ang may pinaka-maraming gf, ay mali pala, silang dalawa nung... Ya..Ya..Yavy! Oo Yavy. Pero yung Jake, matinik daw yun, marami ngang gf pero lahat sila ‘di nagtatagal. Ayon sa narinig ko, Patricia daw yung pangalan ng pinaka-matagal niyang girlfriend, halos 48 HOURS and 1 minute? Alam niyo ba na matapos siyang makipagbreak, ay nakikipag lamutakan na naman siya sa ibang girls at ang nakaka shocking pa ay hindi lang isa ang kinakasama niya pag naglalandian, nasa 3 or 5?” nag speech na naman si Aileen. Hindi kasi niya alam na ang taong tinutukoy niya ay ang taong 15 years ko nang naging kaklase simula kinder, ang taong hindi ko pinapansin dahil sobra siyang....EWAN! “Ngayon niyo pa lang siya napapansin? Na sikat yan sila dito sa school? Ay sorry, transferee nga pala kayo. Let me tell you a story... Mula kinder, kaklase ko na yang Jake Alcover na yan. Ewan ko ba kung bakit kahit saang paaralan ako pumunta eh nakikita ko ang mukha ng pangit na yan.” Sabi ko habang nakatingin kay Jake na nakikipaglandian na naman sa mga MEAN GIRLS! “So kung longtime classmate mo na siya, marami ka palang alam tungkol sa kanya? Sa buhay niya? Magkuwento ka naman oh.” Diing ni Claire na tinataas-baba pa ang kilay niya, “Okay, okay. FINE! His full name is Jake Nathaniel Garcia Alcover, 20 years old. Mabait siya, matalino at higit sa lahat may hitsura kaso, playboy nga lang. Gaya ng sinabi ni Aileen kanina, marami na siyang naging girlfriend. Kahit matagal na kaming magkaklase, hindi talaga kami nagpapansinan, ewan ko kung bakit. Sa lahat kasi ng mga kaklase ko eh yung grupo lang nila ang di ko close, siguro ang dahilan nun eh, wala talaga akong amor sa isa sa kanila. Pero iisa lang ang masasabi ko, hinding-hindi ako mahuhulog sa taong sumasakit sa mga kapwa ko babae, I will never EVER be his girlfriend.” Sabi ko habang tinutusok-tusok yung fishball na binili ko. Oh kitams! Di ko kaya crush yung Jake na yun, NEVER! “Hoy! ASSUMERANG FROG! Grabe ka naman! Girlfriend agad? As you have said, di kayo nagpapansinan, ever since kinder, so its very capital I.M.P.O.S.S.I.B.L.E. na ligawan ka ni Jake sa kadami-daming babae sa mundo no!” pang-aasar ni Claire sa akin, “He! Basta, never yun mangyayari. O siya! Mauuna muna ako huh. Bye friends.” Pamama-alam ko kina Claire at Aileen, mga bagong kaibigan ko, mga transferee sa LVVU. Magkaiba kami ng course kaya iniwan ko na lang muna sila doon.

          Pagbalik ko sa room namin, akala ko ako lang ang mag-isa, kasi nasa canteen pa yung iba, 5 minutes early kasi akong pumasok. Maya-maya may narinig na akong kilitian sa back part ng room, kaya pinuntahan ko kaagad para tingnan ko kung ano yun. But when I opened the curtain, I was shocked to see that there was two people kissing there, it was Jake and an unidentified girl. Nakakadiri sila. Kaya dali-dali kong sinara yung kurtina at naglakad pabalik sa upuan ko. Pero natigil ako sa paglalakad nung nakarinig ako ng bangayan nila, “Ayoko na! Break na tayo, sawa na ako sayo!” sabi ni Jake dun sa babae, “What? 2 minutes pa lang na naging tayo! Aayaw ka na agad? What the heck!” tapos lumabas na sa room namin yung babae. Nagtinginan nalang kami ni Jake. Hay! Wag po kayong mag-alala, ganyan po talaga siya laging PDA, anak yan ng may-ari ng paaralan ha! Nakakahiya. Bumalik na ulit ako sa kinauupuan ko kanina para magbasa ng pocketbook, 2 seats away lang kami, kaya pag may dumaan siguro, aakalain nila na nag LQ(Love Quarrel)kaming dalawa.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon