KEAN
Ring!
Hays. Tapos na ang break time. Papasok na naman dito sa room. First day. Yes. First day. I hate first day!
Nakaupo na ako ngayon dito sa bandang likod. Kung saan puro lalaki ang katabi ko. May pinagbubulungan sila kaya na-curious ako.
"Pre, mamaya pag magbobotohan na ng Muse at Escort, iboto natin si Mariela at Ton-ton. Wahaha!" sabi nung Jay ang pangalan.
"Wahaha! Grabe ka dre! :) Ang pangit ni Mariela tapos ipa-partner mo kay Ton-ton!!" sagot ni RR.
"Sinong magpapasok sa kanya?" tanong naman ni Rey.
Di na nakaimik yung dalawa. Bigla atang nahiya. Haha! Gusto ko 'to! Makapag volunteer nga!
"Kung gusto niyo, ako na lang. Ako nang bahala." sagot ko. Bigla namang kuminang ang mga mata nila. Hahaha!
"Okay. Sige. Basta, ipapasok mo yung dalawa huh? :)" sabi ni Jay.
"Hmm. Watch and learn young men! Di mo ako kilala." sagot ko.
Pumasok na si Ma'am Caz. Ang Guro namin sa Araling Panlipunan.
"Okay class. Good morning! Dahil 1st day ngayon, kailangan natin ng mga bagong Officer sa subject na ito. So, let's begin. For President. Bla. bla. bla." wika niya.
Taas-baba ang kamay namin. Boto dito, boto doon. Yeah. Hinihintay ko yung sa Muse at Escort.
"Okay! For our Escort!" wika ni Baby Margaux. Yeah! Siya kasi yung Secretary kaya siya yung nasa unahan na tagabilang ng boto.
I raise my hand.
"Yes?" turo nya sa akin. Nakakakaba dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ako kinakabahan dahil sa gagawin ko. Kinakabahan ako dahil nasa harapan ko yung minamahal ko. MY GOODNESS! :)
"I nominate Ton-ton for that position." then, umupo na ako. Palakpakan yung mga kulangot na katabi ko. Tuwang-tuwa ang mga kumag.
"Nice. Nice!" a-apir pa sana siya pero, di ko na lang pinansin yung kamay nya.
"Okay! It's time to vote guys! For Nelson?! Raise your hand, please." sabi ni Margaux.
1,2,3. . . . 15 vote for Nelson.
"Then, for Ton-ton." Whooo! Sigawan kami dito sa likod. 1,2,3. . . Okay! 18 vote! "We have our Escort. It's you Ton-ton! And now, for our Muse!" sabi niya.
"Hey!" habang nakataas yung kamay ko. "Yes? Stand-up please?!" utos niya. "Ahmmm. I nominate Mariela." then, umupo na ako.
Tawa ng tawa yung mga kaklase ko. Lalo na itong mga katabi ko. Well, di ko naman talaga kilala yung Mariela. Nang biglang may tumayong babae na puno ng confidence sa katawan.Maitim, kulot, at maliit.
Pinatayo siya sa unahan. Kasama ang iba pang kandidato (di hamak na maganda kumpara sa kanya) para maging Muse.
*Prrrooo..Bwahahaha!
Di ko napigilan yung tawa ko! Nyahaha! Ang lufet! Ganda mo ni! Tawa kami ng tawa lalo na nung nagwagi siya bilang Muse!
BINABASA MO ANG
CLUELESS (Lesbian Lovestory)
CasualeMagulo ang mundo. Maaring gusto kita, pero gusto mo siya. Gusto mo siya, ngunit mahal niya'y iba. Kailan magiging fair ang lahat? Hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako agad. Ngunit ang mas ikinasasama ng loob ko at ikinasasakit ng damdamin ko ay...