Chapter Ten - End of The Cold Days

867 25 4
                                    

BUONG araw na pinagsawa nina Zaye at Ariel ang kanilang mga sarili sa pamamasyal. Kung saan saan na nga sila napadpad. Mula sa mall to kalye to cinema and then sa Sunset Boulevard. Nag-date kasi sila kumbaga. Plano sana ng huli na mag-date sila sa isang mamahaling restaurant pero maigting niyang tinutulan iyon. Medyo allergic kasi siya sa fine dining. 

            Three days na matapos nang sagutin niya ito at medyo marami na ring nagbago sa daily routines niya. Halos bawat oras kasi ay kasama na niya ito at ang ikinakatuwa niya, sa kabila nang pagkasuplado, pagkaseryoso at sa sobrang pagka-studious nito, hindi niya akalaing magiging napaka-thoughtful, adorable, charming, amazing at sweet na boyfriend ito.

            Nagtungo din sila sa toy kingdom, eco-park at iba pa. Kulang na lang ay magtungo sila sa sementeryo pero sa katunayan nga niyan, papunta nga sila ng sementeryo.

            “Ano ba ang gagawin natin doon?” tanong ni Ariel habang hila niya ito. Of course, magka-holding hands sila.

            “I just want you to meet the most important person in my life. I just hope magkakasundo kayo.”

            “Oh. So may iba pa palang mas importante sa ‘kin, ganoon?”

            Kamuntik na siyang madapa sa sinabi nito. Hinarap niya ito saka tinawanan. Nakasimangot kasi ito na para bang nagseselos. “Hoy, kilabutan ka nga diyan. Pinagseselosan mo nanay ko? Hindi ko lang maalala pero, nabanggit ko na yata sa’yo na matagal nang nasa heaven ang nanay ko. So, lagot ka.” Tumawa ulit siya ng malakas. Nahintakutan yata ito sa sinabi niya dahil napalunok ito.

            “I’m s-sorry. Hindi mo naman kasi sinabi agad. Ang dami mo pa kasing satsat. 'Ayan tuloy.”

            “Okay, lang iyon uy,” umabrisete siya rito pagkatapos ay pinisil ang pisngi nito.” Alelelele... “Bibisitahin lang natin si nanay. Nag-promise kasi ako noon na ipapakilala ko sa kanya ang kung sino mang magiging boyfriend ko. It sounds creepy pero wala namang masama 'di ba?”

            “Y-yeah, you’re r-right.”

            Gusto niyang humagalpak ng tawa dahil hindi niya inakalang matatakutin pala ito. Pinanggigilan na lang niya ang braso nito habang umaabrisete siya rito.

            Nagpatuloy sila sa paglalakad. Malapit lang naman kasi ang sementeryo ng nanay niya. At nang makarating sila doon ay napakunot-noo siya nang may makita siyang isang bulto na nakatayo malapit sa puntod ng ina niya. Nang medyo makalapit na sila doon ay napatingin siya kay Ariel nang biglang huminto ito.

            Bigla siyang binundol ng kaba. She could actually see pain and anger in his eyes. Napagawi ulit ang tingin niya sa estrangherong lalaki at eksakto namang humarap ito sa kanila. Nagulat siya nang malamang ama pala ito ni Ariel. Gaya nila ay nagulat din ito pagkakita sa kanila. Naalala tuloy niya nang ibigay niya sa nobyo ang sobreng galing dito. Naalala din niya kung paano ito nagalit tungkol sa sulat na iyon. Ano kaya ang problema ng mag-amang ito? Naguguluhan na talaga siya.       

            “What are you doing here?” malamig na tanong ni Ariel sa ama.

            Napakapit lang siya sa braso nito. She could really perceive the tension between them.

            “Anak, kumusta ka na?” anang ama nito.

            Nagtagis ang bagang ng nobyo niya. “Will you please cut that crap? And don’t you ever dare call me your son.”

            “Ariel,” sita niya rito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mga ito at kung ano man ang naging kasalanan ng ama nito. Basta mali pa rin na pagsalitaan nito nang ganoon ang lalaki. “Umayos ka nga. Kung ano man ang naging problema n’yo, pag-usapan n’yo.” Binalingan niya si Tito Daniel dahil gusto niyang ihingi ng paumanhin si Ariel pero nagsalita na ito.

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon