KaLye WaLay UyaB (FINISHED)

1.2K 32 41
                                    

Love is just a word until someone proves it to you and makes it real.

Hi... ako nga pala si GeneVieve, 3rd year collage, 5’3 in height, black beauty, ‘di masyadong matalino hinde naman bobo, maganda daw ako sabi nila at wag na kayong umangal.kasi totoo naman HAHAHA :)

So okay ganito kasi yon…………..

 yung bestfriend ko brineakan ng hinayupak na Elvin na yon.Letseng ex niya yon. Kawawa naman talaga ang Bff ko kasi niloko lang sya at pinaasa ng bwiset na lalaking yun. Gusto ko talaga manapak at ipamukha sa kanya ang ginawa niya sa bff ko. Nakikita ko ang bff ko na sobrang nasasaktan at hinde pa makapagmoveone.

Sabagay sabi nga it takes time to move on. pero masyadong minahal nya yung lalake kaya ayan ang hirap niya tuloy makalimot.  Kaya ang sabi ko sa sarili ko hinde totoo ang love love nayan kung hinde mo makikita at maramdaman kung totoo nga ba ito.

mas lalo na kapag hinde sincere at sabi sabi lang.

until one day may bagong student sa school namin he’s a transferee and naging mag classmate kame and seatmate pa. 

Noong una hinde ko sya kinakausap kasi wala akong pakiaalam sa kanya. Kaso nga lang naawa naman ako kasi nakaupo sya sa dulo katabi ko at wala syang kaibigan na pwedeng samahan at kausapin. Kinakausap niya din man ako  kaso ako itong si suplada girl at hinde namamansin.. 

Kinabukasan late ako nagising at late na din ako nakarating sa school. May surprise quiz pa ang teacher namin sa computer science, which is major subject ko. IT kasi ang course ko. Bigatin diba? Heheh joke. Sa pagmamadali eh wala pala akong dalang paper at ballpen kaya wala ako magawa kundi manghingi sa katabi ko.

“ahm, seatmate. Tatanungin ko lang sana kung may extra paper ka ba at ballpen. Pwede ba muna humiram sayo?

Sumagot  sya ng hinde nakatingin sa akin… “bakit ko naman ipapahiram sayo? Sabihin mo muna na friends na tayo” dahil kailangan ko talaga yung papel at ballpen mag-iistart na ang quiz  pumayag na ako. “oh cge cge kaibigan na kita, magkaibigan na tayo”

“oh eto ang papel at ballpen, next time magdala ka na ng paper at ballpen mo ha?” sabay abot sa akin. Tumungo nalang ako bilang sagot.

Nag start na ang quiz, at tae naman ang hirap ng mga tanong. Bumabaliktad ang utak ko. Anak ng ina mo! Puros essay, explanation explanation churva and drawing drawing.. Juiceko naman bahala na si batman, kung ano ang score ko. Quiz palang yun ha! Quiz palang.. What more kaya kung  long exam. Patay ako neto.

Ng matapos na ako magpass ng paper sa proff namin umalis ako agad sa classroom. Di ko naman alam na sumunod pala itong si………………. ay hinde kopa pala alam ang name niya. LOL! Eh pakialam ko ba hinde naman kasi sya tinatawag sa first name niya. MR. SY lang ang tinatawag sa kanya. Tsaka pakialam ko ba? Sabay flip hair.. :DD

Hinde ko naman sya pinapansin kahit na sunod ng sunod siya sa akin. wala kasi ako sa mood hanggang sa rinig ko na tinawagan niya ako sa first name ko.

“Genevieve”

Lumingon naman ako.

 “ohh?”

“ah eh, pwede bang sumama muna sayo, wala pa kasi akong alam sa school niyo eh. Tsaka ang laki baka mawala ako”

Tumango nalang ako bilang sagot. Sunod sunod lang sya sa likod ko. Parang aso. de joke. XD ang sama ko. hehe. Kawawa  naman sya baka maligaw tska wala pa pala syang kaibigan………….. ay meron na pala ako. HAHA! Makausap nga toh.

Ah teka, mag Cebuano nalang kaya ako? Trip ko lang eh. Bakit ba? Siguro makaintindi din sya.

“Oyy, unsa gale tu imong ngalan?” (hey, ano nga yong pangalan mo?)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KaLye WaLay UyaB (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon